Cash Final Assistance para sa mga maliliit na magpapalay, itataas sa P7-K, DA-4A Rice Program FY 2024 Year-End Assessment, Isinagawa

 

 

Mula sa dating limang libong piso, itataas na sa pitong libong piso ang ayuda para sa mga maliliit na magpapalay sa mas pinalawig na implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA). Ito ay inanunsyo ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Banner Program sa katatapos lamang na Regional Rice Program FY 2024 Year-End Assessment noong ika-11 hanggang ika-12 ng Disyembre sa Tanza, Cavite.

Ang karagdagang halaga ay tulong sa mga rehistradong magpapalay na may di hihigit sa dalawang ektaryang sakahan na naapektuhan ng El Ñino at naghahanda sa parating na La Niña. Inaasahan na aabot sa mahigit walumpu’t dalawang libong magpapalay ang makakatanggap nito sa rehiyon sa susunod na taon.

Samantala ipinirisenta din sa naturang assessment ang mga datos ng mga natapos na aktibidad ngayon 2024 sa ilalim ng programa at target nito sa kasunod na taon. Tinalakay din ang kasalukuyan kalalagayan at target sa produksyon ng palay sa sunod na taon; mga datos ng mga rice clusters sa rehiyon; kasalukuyan kalalagayan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng mga magpapalay; kasalukuyang kalalagayan ng mga pinapamigay na discount vouchers ng abono, binhi at gasolina, at financial assistance mula sa Rice Farmer Financial Assistance (RFFA).

Dumalo at nagprisenta din ng kani-kanilang mga accomplishments at target sa sunod na taon na may kaugnayan sa Rice Program ang National Irrigation Administration (NIA), Philippine Rice Institute (PhilRice), Philippine Center for PostHarvest Development and Mechanization (PhilMech), Bureau of Plant and Industry National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS), Land Bank, Agricultural Training Institute (ATI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at National Food Authority (NFA).

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaaabot ni OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Engr. Redelliza A. Gruezo sa mga lokal na pamahalaan ng rehiyon sa suportang kanilang ibinibigay sa mga aktibidad at programa ng Rice Program.

###### (Bryan E. Katigbak, DA-4A RAFIS)