Isinulat at Kuha (Mga Larawan) ni Nataniel Bermudez
“Palakasin ang low performer Municipal Agriculture and Fisheries Councils (MAFCs), paigtingin ang relasyon ng Agriculture and Fisheries Councils (AFCs) sa Department of Interiour and Local Government (DILG) Units at magkaroon ng mandato na makasama ang Provincial AFCs sa Local Development Council (LDC).”
Ito ang ilan lamang sa mga napagkasunduan gagawin sa taong 2018 nong magkaroon ng Agricultural and Fisheries Councils (AFCs) Year-End Assessment and Operational Planning Workshop na ginanap sa Tanza, Cavite noong ika 28-29 ng Nobyembre 2017.
Sinabi ni Acting Chairperson Pedrito R. Kalaw, Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON na ito ay susog sa isinusulong din ni Chairperson Argosino (James) Agripino bago pa man siya nag leave of absence dahil sa karamdaman.
Ang iba pang gustong gawin ni Acting Chairperson Kalaw sa 2018 ay ang madagdagan pa ang pilot Municipalities; magkakaroon ng unang PAFC summit ng CALABARZON; maibaba ang presyo ng karne (baboy at manok) sa pamamagitan ng paggamit ng Cassava bilang substitute na feed ingredients na Mais.
Ang kinatawan ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries na dumalo ay si Lorenz Alfante, Rehiyon IVA-A Area Coordinator. Sinabi niya na napakaganda ang ipinakitang presentations ng accomplisments ng 2017, at targets for 2018 at mailahad ang ating commitment at expectations para sa taon 2018 ngunit, mas napakaganda rin sana kung makita natin ang mga resolutions na gagawin natin para sa ikakaunlad ng agricultura at pangaisdaan na siyang mandato ng AFCs.
Ang iba pang kasunduan ipapatupad ay ang turuang maging entrepreneur ang mga magsasaka/mangingisda na hindi lamang magpadami ng ani kundi turuan din silang direktang magbenta sa palengke para lumaki ang kanilang kita; na turuan ang mga kooperatiba at organisasyon na magbenda sa trading centers, supermarkets at urban cooperatives; humingi ng tulong ng pribadong sektor tulad ng Philippine Commerce and Chamber Industry (PCCI) na turuan ang mga magsasaka sa kanilang plano sa pagmemerkado at kung papaano magtatag ng mga ugnayan sa pribadong sektor; makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Trade Industry (DTI) at Department of Agriculture sa packaging at pag-promote ng kanilang produkto.