Kabilang ang Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON sa mahigit 800 kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa rehiyon na nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang, “We Make Change Work for Women” na ginanap sa Batangas Provincial Auditorium, lungsod ng Batangas noong Marso 28, 2019.
Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ng Philippine Commission on Women, Regional Development Council, at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Sa isinagawang palatuntunan ay kinilala ang mga natatanging nagawa ng mga kababaihan ng CALABARZON, at ang mga positibong pagbabago na bunga ng kanilang mga pagsisikap at pag-unlad sa kanilang mga ginagawa.
Ang mga naging tagapagsalita sa pagdiriwang at nagbigay-pugay sa mga kababaihan ay sina Kgg. Divino G. Balba, Chairperson ng Committee on Women and Family; Engr. Ladislao Andal, Co-Chairman ng Regional Development Council; Atty. Regina Reyes-Mandanas, Pangulo ng Provincial Women Coordinating Council; Regional Director Luis G. Banua ng National Economic and Development Authority Region IV-A bilang Chairperson ng Regional Gender and Development Council; at Gob. Hermilando I. Mandanas ng Batangas.
Ang mga delegado ng Kagawaran ng Pagsasaka ay pinangunahan naman ni Bb. Florencia L. Bas, Hepe ng Personnel Section ng Tanggapan. • NRB