May 50 kababaihan mula sa Lipa City, Batangas and dumalo sa pag-aaral na tinawag na Cassava Processing and Utilization na ginanap sa Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON – Lipa Agricultural Research Experiment Station noong ika-27 ng Hunyo 2019 sa Barangay Marawoy ng nasabing lungsod.
Sinabi ni Cynthia DT Leycano, Sr. Science Research Specialist, na ang isang araw na pag-aaral ay naglalayon na maturuan sila sa paggawa ng mga kakanin na magmumula sa Balinghoy o Cassava para magkaroon sila ng karagdagang pagkakakitaan. Ang mga kakanin na kanilang gagawin ay ang Cassava Chips, Cassava Polvoron, Cassava Cake at Cassava Pichi-pichi.
Karamihan sa mga kasapi ay mga Sr. Citizen na nagmula sa Rural Improvement Club (RIC) ng Barangay Tambo at Community of Faith sa Barangay Sto. Niño.
Kasama din sa nagturo ay si Marlene Marave Staff ng LAES. NRB DA-RAFIS