Upang maipabatid ang pasasalamat sa mga katuwang sa pagpapaabot ng tulong at gabay sa mga magsasaka, pinagkalooban ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng monetary incentives ang Agricultural Extension Workers (AEWs) sa rehiyon noong ika-1, 2, 3, 6, at 7 ng Disyembre.
Ang pamamahagi ng mga insentibo ay para sa AEWs ng iba’t ibang banner program ng DA-4A na nakapagsumite ng kompletong planting and harvesting reports sa takdang oras.
“I’m sending my outpouring gratitude to DA-4A dahil sa pagpapahalaga nila sa mga taong kasama nila sa likod ng bawat ipinapatupad na programa. Kami namang AEWs, regardless kung may incentive o wala ay nangangako na magsa-submit ng accurate data on time. Para ma-bridge ‘yong gap between farmers and DA,” ani Rinkoh P. Hernandez, Municipal Agriculturist ng San Luis, Batangas.
Pinagpulungan din noon ang estado ng pag-a-update ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na nakatakdang matapos ngayong buwan ng Disyembre at pagsusumite ng mga request mula sa farmers’ cooperatives and associations (FCAs) sa lugar na nasasakupan ng bawat AEWs.
#### (✍📸 Reina Beatriz Peralta)