Tinalakay ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON ang kahalagaan ng pagkakaroon ng “Agriculture Production Clustering” ng mga banner programs sa CALABARZON.
Ito ang buod ng kanyang paksa nang idaos ang “Assessment and Planning Workshop of Operations Division Cum Meeting on the Development of Agriculture Clusters” sa Development Academy of the Philippines (DAP), noong ika 11-12 ng Hulyo sa Tagaytay City, Cavite.
Ipinaliwanag ni RED de Mesa na naglalayon ito na makatukoy ng isang lugar na gagawing model o pilot area para ang lahat ng interventions ng banner programs ay matatagpuan at maayos na maipapatupad. Layunin din ng programa, na malaman kung may impact ang programang ipinapatupad sa pagkatao at pamumuhay ng mga mamamayan sa lugar.
Ang dalawang araw pagpupulong ay pinangunahan ni OIC-Regional Technical Director Dennis R. Arpia ng Operations at Extensions. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng pagpupulong upang maliwanagan ang mga suliranin na bumabalot sa takbo ng mga programang ipinapatupad at upang mapag-usapan din ang kahalagahan ng sapat na kaalaman ang mga teknisyan, banner focal persons, coordinators na bumababa sa kanayunan.
Ang mga iba pang mahahalagang paksa na tinalakay ay tungkol sa mga assignment ng mga Agricultural Extension Workers (AEWs) na tumatanggap ng mga inscentives mula sa mga banner programs, ang kalagayan ng Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA), Damage Reporting System ng Operations Division, Agricultural Credit Implementations Programs, at ang OPCR/IPCR na tinalakay ng PMED at si Engr. Redelliza Gruezo, OIC ng Field Operations Division. (NRB, DA-RAFIS)