Anim na Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) ng palay at mais ang sumailalim sa pagsasanay ukol sa paggawa ng Cluster Development Plan (CDP) noong 26-28 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ang nagsisilbing paghubog ng kagawaran sa mga magsasaka na talakayin ang kasalukuyang lagay ng kanilang mga pananim at mga suportang interbensyon na hinahangad nila sa sakahan. Ang mga impormasyong ito ang isinasaad sa CDP na nagiging batayan ng DA-4A upang magbaba ng mga posibleng tulong na kinakailangan.
Ito ay pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program.
Binuo ang pagsasanay ng mga representante ng Bulihan-Combento Rice Farmers Cluster Association, Inc., Looc-Calayo Rice Farmers Cluster Association, Inc., Maugat Puyat Catandaan Ulila Rice Farmers Cluster Association, Inc., 1Cogunan Irrigated Rice Farmers Association, Inc., Samahang Magpapalay sa Kanluran ng Nasugbu (SAMAKANA), at Nasugbu Corn and Cassava Farmers Association. #### ( Danica Daluz)