Ang African Swine Fever ay karamdamang nakukuha ng mga baboy. Maaaring mahawaan ang mga malulusog na biik o baboy kapag nailapit o naidikit sila sa ibang mga baboy, tao, o gamit na nanggaling sa mga lugar na apektado ng ASF. Ito ay walang panganib sa tao.
Kabilang sa mga sintomas ng impeksyon ay ang pagkawala ng gana sa pagkain, pamumula ng balat, pagsusuka, at pagdudumi.
Para sa kahina-hinalang pagkamatay ng inyong mga alaga, tumawag/mag-text sa:
Regulatory Division – (02) 8273-2474 local 4435
Livestock Program – 0917 831 0446