« of 49 »

Malugod na tinanggap ni Mayora Ermida Agpi Reynoso ng Tayabas City ang mga koponan ng evaluators mula sa Kagawaran ng Pagsasaka (DA) at Department of Interior and Local Government (DILG) na siyang nangasiwa sa pagpili ng National Gawad Saka 2018-19 Search sa kategoryang Outstanding Municipal/City Agricultural and Fishery Council (CAFC).

Sinabi ni Mayora Reynoso, “na ang CAFC ng Tayabas, bilang isang samahan ay malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng pagsasaka, paghahayupan at pangisdaan sa Lungsod. Naipaparating nila ang tamang suliranin at kasagutan sa mga pangangailangan ng ating mga magsasaka at mangingisda na siya naman naming isinasagawa katulong ang sangguniang bayan.”

Ang grupo ay pinangunahan ni G. Jimmy S. Sevalla ng DILG-BLGS at ang pagsusuri sa mga isinumeting scrapbook ay isinagawa noong ika-28 hanggang ika-30 ng Agosto 2019 sa nasabing lungsod. Ang mga iba pang evaluators ay sina: Celedonia R. So ng DILG; Llytess Alforte ng DA-FCIS; at Winsor Gaudario, Andrea Louise Gutierrez, at Roweiji Bautisa ng PCAF.

Kasama ang tanggapan ng panlalawigang agricultura ng Quezon, tatlong pangunahing proyekto ang kanilang binisita. Dalawa nito ay mula sa Barangay Caymasa – Sipag Caymasa na taniman ng gulay na mayroon lawak na mahigit isang iktarya; at Samahan ng Mag-gugulay Caymasa na mayroon tatlong namang ektaryang taniman. Mayroong mahigit 36 na pamilyang magsasakang kasapi. Ang ikatlong proyektong binisita ay mula sa Barangay Mate. Ang Likas PO Vermi Compost – Liga ng mga Kagawad sa komitiba ng agrikultura sa paraang organiko. Ipinakita rin nila ang damong tinawag na Kito – Salbania Milistia na naging salot sa palayan na ginawan ng resolusyon ng CAFC para sa malawakang kampanya upang magsugpo ito.

Ang Gawad Saka na taunang isinasagawa ay naglalayong parangalan ang napakahalagang kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa. NRB RAFID-IV