RSBSA updating, validation sa Laguna, isinagawa ng DA-4A

Upang masigurong ang mga magsasaka sa rehiyon ay tuluyang makatanggap ng mga suporta at interbensyon, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng updating at validation ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) noong 6 Setyembre 2022 sa Siniloan, Laguna. Higit 500 ang natulungang makapag fill-out, update at validate ng kanilang RSBSA forms – continue reading

Kaalaman sa CRA, CIS ibinahagi ng DA4A

Upang maging handa at matatag ang mga sakahan ng CALABARZON para sa climate change at sa mga darating na bagyo at tagtuyot, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) ng seminar ukol sa Climate Resilient Agriculture (CRA) at Climate Information System (CIS) noong ika-6 ng Setyembre, 2022. Kasama – continue reading

‘Huntahan sa Kanayunan’ sa Laguna, idinaos ng DA-4A

Sa layon na maipahayag ang mga programa at serbisyong pang-agrikultura sa mga magsasaka sa CALABARZON, muling nagdaos ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng ‘Huntahan sa Kanayunan’ noong 6 Setyembre 2022 sa Siniloan, Laguna. “Ang ‘Huntahan sa Kanayunan’ ay isa sa mga paraan para ma-address ang mga suliraning pang-agrikultura. Gaya ng hangad ng ating kasalukuyang – continue reading

DA-4A Kadiwa sa Muntinlupa

Dinaluhan ng San Pedro Multi-Purpose Cooperative, General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative at Southern Luzon Farmers and Traders Agriculture Cooperative and ginanap na KADIWA On Wheels sa Southville 3, Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong ika-3 ng Setyembre 2022. Ang Kadiwa ay programa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance – continue reading

P3.8-M halaga ng tulong-pinansyal, fuel discount cards ipinagkaloob ng DA-4A sa mga magsasaka, mangingisda ng Quezon

Aabot sa P3,891,000 halaga ng tulong-pinansyal at fuel discount cards ang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga magsasaka at mangingisda ng Mauban at Pagbilao, Quezon sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) at Fuel Discount Program for Corn Farmers and Fisherfolk na isinagawa noong ika-2 ng Setyembre. Tinanggap – continue reading

Suporta ng DA-4A sa produksyon ng saging, naipamahagi sa Cavite

Tinanggap ng YAKAP AT HALIK Multipurpose Cooperative-Cavite ang 5,000 pirasong polyethylene bags mula sa Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) noong ika-1 ng Septyembre sa Brgy. Castaños Cerca, Gen. E. Aguinaldo, Cavite.  Ito ay pakikinabangan ng 50 miyembro ng kooperatiba bilang paghahanda sa pagtatanim ng tissue cultured banana na – continue reading

18 representante ng mga samahan ng maggugulay sa Quezon, sumailalim sa enterprise assessment ng DA-4A

Labing walong presidente mula sa mga samahan ng maggugulay sa Tayabas City, Quezon ang sumailalim sa enterprise assessment na pinangasiwaan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program, Technical Working Group (TWG) ng High Value Crops Development Program (HVCDP), at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) noong ika-30 hanggang – continue reading

Pagpapalawak ng produksyon ng ube sa AMIA Villages, isinusulong ng DA-4A, SLSU

Nagpulong ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Balik Probinsya Balik Pag-Asa (BP2) program kasama ang project team mula sa Southern Luzon State University (SLSU) ukol sa isinusulong na proyekto para sa pagpapalawak ng produksyon ng ube sa Adaptation and Mitigation Initiatives in Agriculture (AMIA) Villages sa San Francisco, Quezon noong ika-26 ng Agosto. Ang proyekto – continue reading

Tatlong samahan ng magsasaka ng Tayabas, sinanay ng DA-4A sa paggawa ng CDP

Tatlong samahan ng magsasaka ang sumailalim sa pagsasanay na isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program tungkol sa paggawa ng Cluster Development Plan (CDP) noong ika-24 ng Agosto sa Tayabas City, Quezon. Ang pagsasanay ay bahagi ng F2C2 program na naghahangad na tipunin ang bawat samahan ng mga magsasaka – continue reading

Mga maggagatas ng Jalajala, Rizal suportado ng DA-4A, DA-PCC-UPLB

Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Groundbreaking Ceremony ng itatayong dairy store para sa Llano Farmers’ Multi-Purpose Cooperative (LFMPC) ng Jalajala, Rizal. Ang itatayong pasilidad ay proyekto ng DA Philippine Carabao Center sa University of the Philippines – Los Baños (DA-PCC-UPLB) sa ilalim ng Carabao-based Business Improvement Network (CBIN). Ito ay naglalayong matulungan – continue reading

Pagpapaigting sa tungkulin ng LGU at LPCC sa bentahan ng baboy at manok sa merkado, siniguro ng DA-4A

Isang birtwal na pagpupulong ang pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para sa mga Local Government Units (LGU) at Local Price Coordinating Councils (LPCC) ng Batangas at Rizal noong ika-12 ng Agosto. Isinagawa ito upang talakayin ang mga responsibilidad ng LGU at LPCC na nakapaloob sa Joint Memorandum Circular No. 03, Series of 2020 – continue reading

DA-4A, RAFC magkatulong sa pagpapatibay ng seguridad ng pagkain sa CALABARZON

Magkatulong ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Sectoral Committee ng High Value Crops sa patuloy na implementasyon ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) na naglalayong pagtibayin ang seguridad ng pagkain sa bansa sa kabila ng lumalaking populasyon, mga natural na kalamidad, at COVID-19 pandemic. Kaugnay nito, – continue reading

Livestock raisers ng CALABARZON tumanggap ng P10M tulong-pinansyal mula sa DA-4A

Aabot sa sampung milyong (P10M) halaga ng tulong-pinansyal ang naipamahagi ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Livestock Program sa pitong (7) Livestock Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) ng rehiyon, noong ika-12 ng Agosto, sa Lipa City, Batangas. Ang aktibidad ay bahagi ng isinagawang Memorandum of Agreement Signing on the Establishment of Multiplier Farms under – continue reading

DA-4A RARES SGPP ganap nang PhilGAP certified

Pormal nang tinanggap ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Rizal Agricultural Research and Experiment Station (RARES) ang Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) Certificate para sa kanilang Smart Greenhouse Project of the Philippines (SGPP) tomato crop, mula sa Bureau of Plant Industry, noong ika-10 ng Agosto. Ang PhilGAP certification ay patunay na sinusunod ng RARES – continue reading

Pagbabantay presyo ng mga produkong agrikultural sa palengke, pinaigting ng DA-4A

Upang mas mapalawak at mapalakas ang sistema ng pagbabantay ng presyo ng mga produktong agrikultural sa mga pampublikong palengke sa rehiyon, nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) tungkol sa Bantay Presyo Monitoring System (BPMS) at Trading Post Commodity Volume Watch (TPCVW). Ang BPMS ay tumutukoy sa sistema ng pangongolekta ng datos ng – continue reading

Pagsasanay para sa pagpapalaganap ng produksyon ng soybean sa rehiyon, isinagawa ng DA-4A

Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng pagsasanay ukol sa produksyon ng soybean noong ika-5 ng Agosto sa LARES Hall, Lipa City, Batangas. Ang aktibidad ay bahagi ng proyekto ng DA-4A Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES) sa ilalim ng Corn Banner Program. Ito ay ang ‘Trial on Integrated Production Technologies’ kung saan – continue reading