Mga magpapalay ng Quezon, nakatanggap ng tig-lilimang libong piso mula sa RCEF-RFFA ng DA-4A

Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng P15,425,000 sa 3,085 magpapalay mula sa mga bayan ng Padre Burgos, Unisan, Agdangan, Tagkawayan, Gumaca, Plaridel, Macalelon, at General Luna sa probinsya ng Quezon noong ika-9 hanggang 10 ng Disyembre. Ang halagang ipinamahagi ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance – continue reading

DA-4A pinasinayaan ang bagong tayong Coconut Sap Processing Center sa Tagkwayan

Pinasinayaan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON ang 143 metro kwadradong Coconut Sap Processing Center sa Brgy. Bambam, Tagkawayan, Quezon noong ika-7 ng Disyembre. Ang pasilidad na ito na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso na pinondohan ng DA-Bureau of Agricultural Research ay papakinabangan ng mga magsasakang malapit sa lugar. Gagamitin ang pasilidad sa pagpoproseso ng mga – continue reading

DA-4A kaisa sa kampanya kontra sekswal na karahasan sa kababaihan

Bilang pakikiisa sa taunang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ng pamahalaan na nagsimula noong ika-25 ng Nobyembre, nagdaos noong ika-29 ng Nobyembre ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan, ng oryentasyon tungkol sa RA 11313 o ang “Safe Spaces Act of 2019.” Ang taunang – continue reading

DA-4A namahagi ng P14-M sa mga magbababoy ng Pitogo, Catanauan, San Andres, Buenavista bilang bayad-pinsala sa mga isinakripisyong alaga kaugnay ng pagkontrol sa ASF

Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng bayad-pinsala sa mga magbababoy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) at nagsakripisyo ng kanilang baboy. Nitong ika-3 ng Disyembre, namahagi ang DA-4A ng bayad-pinsala na aabot sa P14,565,000 para sa 478 magbababoy mula sa mga bayan ng Pitogo, Catanauan, San Andres, at Buenavista sa – continue reading

Malalaking magsasaka katuwang ng DA-4A sa pagtulong sa maliliit na magsasaka sa pagkamit ng mas mataas na kita sa pamamagitan ng BAC Program

“Bilang big brother, pangarap namin ang makatulong sa aming small brothers. Kinakailangan talaga ang pagkakaisa para maabot ang pag-asenso sa pagsasaka.” Ito ang pahayag ni Patricio C. Asis, chairman ng SANTAMASI Irrigators’ Association, sa idinaos na capacity building at specialized training ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) noong ika-1 hanggang 3 ng Disyembre para sa – continue reading

DA-4A, OPA-Batangas nagpulong bilang paghahanda sa Mandanas-Garcia Ruling

Tinipon ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED) ang mga miyembro ng Regional Management Committee-CALABARZON at ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA)-Batangas sa pagsasagawa ng Province-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES)-Collaborative Provincial Agri-Fishery Extension Program (CPAFEP) Workshop noong Disyembre 2, 2021, sa Lipa Agricultural Research and Experiment – continue reading

DA-4A nagsagawa ng RCMAS 4.0 training para sa lalong ikauunlad ng pagsasaka ng palay sa CALABARZON

Upang iangat ang antas ng pagsasaka ng palay sa CALABARZON sa pamamagitan ng digital agriculture, nagsagawa ng serye ng pagsasanay ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) tungkol sa Rice Crop Manager Advisory Service 4.0 (RCMAS 4.0) para sa walumpung (80) agricultural extension workers (AEWs) sa rehiyon. Ang RCMAS 4.0 ay isang web-based application na – continue reading

Mga magsasaka ng Lipa, tumanggap ng P20-M halaga ng interbensyon mula sa DA-4A

Nakatanggap ng P20,052,436 halaga ng interbensyon mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang mga magsasaka mulang Lipa City, Batangas noong ika-1 ng Disyembre. Ang mga ipinamahaging interbensyon ay bahagi ng P813,813,000 pondo ng Taal Rehabilitation and Recovery Program para sa mga magsasaka ng Cavite, Laguna, at Batangas na lubhang naapektuhan ang kabuhayan ng pagputok – continue reading

Mga magsasakang nakatanggap ng interbensyon mula DA-4A, masaya at kontento sa mga natanggap na tulong

“Very satisfied ako dahil napakalaking tulong ng naibigay ng DA-4A sa amin. Nagpapasalamat ako dahil lagi silang nakasuporta.” Ito ang pahayag ni Thyranno A. Exconde, Chairman ng San Pablo Coffee Growers’ Association, sa isinagawang balidasyon ng mga naipamahaging interbensyon ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim ng High Value Crops Development Program noong – continue reading

DA-4A, papataasin ang dami, kalidad ng mga ipinapamahaging binhi ng palay sa tulong ng seed growers

“Sa mga nagdaang taon, ang supplier ng seeds na ipinamimigay sa CALABARZON farmers ay nagmumula sa ibang rehiyon kagaya ng Isabela. Hangad namin na sa susunod na mga cropping season, ang mga seed grower ng CALABARZON ay mapalakas at sila na’ng magsu-supply ng kabuuang pangangailangan ng ating rehiyon. Palalakasin natin ang samahan ng mga magbibinhi – continue reading

Mga natatanging organikong magsasaka ng CALABARZON, pinarangalan sa pagdiriwang ng Regional OA Month

Ginawaran ng pagkilala ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program (OAP) ang mga natatanging organikong magsasaka sa naganap na Regional Organic Agriculture Month (ROAM) celebration noong Nobyembre 24-25, 2021, sa Tayabas City, Quezon. Isa sa mga layunin ng pagdaraos ng ROAM 2021 ang pagkilala sa mga magsasaka na patuloy na itinataguyod ang – continue reading

DA-4A, nagdaos ng capacity building on Halal certification para sa GAP, GAHP certified stakeholders

“Nakikitaan ko ng potensyal ang Halal industry dito dahil ang region IV-A ang isa sa pinakamasigasig sa pagpo-promote ng Halal products. Ang Halal certification ay hindi na lang pang-Muslim, ito ay high standard food safety.” Ito ang sabi ni Atty. Jamil Adrian Khalil L. Matalam, National Halal Program Head, sa isinagawang capacity building on Halal – continue reading

DA-4A pinasinayaan ang pagdiriwang ng Regional Organic Agriculture Month

Pinasinayahan ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program (OAP) ang pagdiriwang ng Regional Organic Agriculture Month 2021 na may temang, “Organikong Pagsasaka, Sagot sa Pandemya,” sa Nawawalang Paraiso, Tayabas City, Quezon, noong November 24, 2021. Pormal na binuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng ribbon-cutting sa pangunguna ni DA-4A OAP Coordinator Gng. Eda – continue reading

DA-4A namahagi ng P12-M halaga ng interbensyon sa mga magsasaka ng Balete, Batangas

Nakatanggap ng interbensyong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng P12,524,352 ang mga magsasaka ng Balete, Batangas. Ito ay bahagi pa rin ng implementasyon ng Taal Rehabilitation and Recovery Program. Ang ilan sa mga tulong na naipamahagi ay botanical concoction, coffee dryer, multi-cultivator, four-wheeled drive tractor, garden tools, grass cutter, greenhouse, hermetic bag for coffee, knapsack sprayer, mesh – continue reading

Magbababoy sa CALABARZON na nagsakripisyo ng kanilang alaga sa DA-4A kaugnay ng ASF, matatanggap na ang bayad-pinsala bago matapos ang taon

  “Bago matapos ang taon, ang mga magbababoy na nakipagtulungan at nagsakripisyo ng kanilang alaga sa DA-4A kaugnay ng pagpigil sa pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF) ay matatanggap na ang kanilang bayad-pinsala. Ito ay patunay na hindi sumisira sa pangako ang ating pamahalaan.” Ito ang pahayag ni Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) – continue reading

DA-4A namahagi ng P53-M halaga ng interbensyon sa mga magsasaka ng Tanauan, ika-apat na distrito ng Batangas

  Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan, noong ika-18 ng Nobyembre ng P53,025,327 halaga ng interbensyon sa mga magsasaka mula sa lungsod ng Tanauan at ika-apat na distrito ng Batangas na naapektuhan ang kabuhayan ng pagputok ng bulkang Taal. Bahagi ng P813,813,300 pondo mula sa – continue reading

Mga magsasaka ng Laguna, Batangas na apektado ng pagputok ng bulkang Taal, nakatanggap ng P43-M halaga ng interbensyon mula sa DA-4A

Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan, noong ika-16 ng Nobyembre ng P43,110,371 halaga ng interbensyon sa mga magsasaka ng lungsod ng Calamba at ng Unang Distrito ng Batangas na naapektuhan ang kabuhayan ng pagputok ng bulkang Taal. Ang ipinamahaging interbensyon ay mula sa P813,813,300 ng – continue reading

Mahigit sa P400-M halaga ng interbensyon, ipinamahagi ng DA-4A sa mga magsasaka ng Batangas, Cavite na apektado ng pagputok ng Taal

    Bilang tulong sa mga magsasaka ng mga probinsya ng Batangas at Cavite na naapektuhan ang kabuhayan ng dahil sa pagputok ng bulkang Taal, namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng P407,646,190 halaga ng interbensyon mula sa Rehabilitation and Recovery Plan (RRP) noong ika-9 ng Nobyembre. Ang RRP na nagkakahalaga ng P813,813,300 ay – continue reading

Mga magpapalay ng Magallanes, nagdaos ng FFD kaugnay ng proyekto ng DA-4A, DA-BAR

Pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Research Division ang idinaos na Farmers’ Field Day (FFD) ng maggugulay ng Magallanes sa probinsya ng Cavite noong ika-11 ng Nobyembre. Dito ay iprinisenta ng 59 na maggugulay mula sa mga baranggay ng Pacheco, Baliwag, Medina, San Agustin, at Ramirez ang mga itinanim nilang iba’t ibang gulay gaya – continue reading

Mga magpapalay ng Maragondon, nagdaos ng FFD kaugnay ng proyekto ng DA-4A, DA-BAR

Pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Research Division, sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Maragondon, Cavite, ang idinaos na Farmers’ Field Day (FFD) noong ika-4 ng Nobyembre, 2021. Sa aktibidad na ito ay ibinahagi ng mga magpapalay ang resulta ng wet season cropping at ikalawang panahon ng pagtatanim mula nang maumpisahan ang P5.9-M – continue reading

DA-4A, nanumpa ng katapatan, patuloy na laban sa korapsyon

DA-4A, nanumpa ng katapatan, patuloy na laban sa korapsyon Pinangunahan ni Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan ang pagpapahayag ng mga opisyal at empleyado ng Kagawaran ng kanilang Panunumpa ng Katapatan noong ika-2 ng Nobyembre. Kanilang ipinangako na hindi sila gagawa ng anumang uri ng korapsyon, at kanilang isisiwalat at – continue reading