Aabot sa dalawang daang (200) mag-aaral mula sa Malvar Senior High School ang dumalo nakilahok sa isinagawang “Information Caravan on Agriculture for the Youth” ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) noong ika-28 ng Setyembre sa Malvar, Batangas. Ito ay pinangunahan ng DA-4A Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) sa layon na mahikayat ang mga – continue reading
Young artist ng Naic, Cavite wagi sa Regional On-the-Spot Poster Making Contest ng DA-4A
Itinanghal na kampeon ang labing-dalawang taong gulang na si Alexa Rinoa Aguinaldo mula sa Naic Elementary School ng Cavite sa isinagawang Regional On-the- Spot Poster Making Contest ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A). Mula sa 215 na nagpasa ng litrato ng likhang sining online sa Kagawaran ay 25 mula sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon – continue reading
P90-M agri-enterprise subprojects, inihatid ng DA-PRDP 4A sa 2 FCAs sa Quezon
Maunlad na kinabukasan ang naghihintay sa industriya ng virgin coconut oil at dairy cattle sa lalawigan ng Quezon matapos pormal na iginawad ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon (DA-PRDP 4A) at lokal na pamahalaan ng Quezon ang dalawang proyektong pang-negosyo nito sa dalawang farmers cooperatives and associations – continue reading
Kalsada ng DA-PRDP 4A, nagbigay-daan sa mas matatag na industriya ng kape sa Santa Maria
Makabuluhang mga benepisyo ang tinatamasa na ngayon ng mga magsasaka at residente ng ilang mga barangay sa Santa Maria, Laguna sa tulong ng Kayhacat-Bubucal-Inayapan-Calangay-Coralan-Bagumbayan Farm-to-Market Road ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP). Ang proyektong ito na may habang 7.17 km at halagang Php 106, 087, 325.92 ay natapos noon lamang nakaraang – continue reading
DA-PRDP 4A, tatanggap ng activity proposals para sa pagpapaunlad ng agri value chain
Tinipon ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon (DA-PRDP 4A) ang mga kinatawan ng DA Regional Field Office Calabarzon (DA-4A), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Calabarzon (BFAR-4A), at mga state universities and colleges (SUCs) sa CALABARZON upang pag-usapan ang DA-PRDP Subcomponent 1.2. Ang DA-PRDP Subcomponent 1.2 ay – continue reading
DA-PRDP 4A, patuloy ang paghikayat sa LGUs, FCAs na lumahok sa PRDP Scale-Up
Tungo sa mas maunlad, moderno, at produktibong sektor ng agrikultura sa Calabarzon, patuloy na hinihikayat ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon (DA-PRDP 4A) ang mga lokal na pamahalaan at mga farmers cooperatives and associations (FCAs) na magmungkahi ng mga proyekto na maaaring pondohan sa ilalim ng DA-PRDP – continue reading
11 FCAs, sinanay ng DA-PRDP 4A sa paggawa ng Enterprise Operations Manual
Tungo sa mas matatag at sustenableng pagnenegosyo, sumailalim ang 11 farmers associations and cooperatives (FCAs) sa pagsasanay sa paggawa Enterprise Operations Manual (EOM) na pinangunahan ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Regional Project Coordination Office Calabarzon (RPCO-4A). Ang mga samahang ito ay benepisyaryo ng proyektong pang-negosyo ng DA-PRDP. Isinagawa ang nasabing – continue reading
DA-PRDP 4A, DOST-4A, FDA, sinanay ang 9 na FCAs sa food processing
Sinanay ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Regional Project Coordination Office Calabarzon (RPCO-4A), katuwang ang Department of Science and Technology – CALABARZON (DOST-4A), at Food and Drug Administration (FDA), ang siyam na farmers cooperatives and associations (FCAs) sa pagsasanay sa food processing. Ang mga kalahok na FCAs ay benepisyaryo ng proyektong – continue reading
Urban, peri-urban agriculture ng DA-4A, suportado ng RAFC-4A
Inilatag ng 49 miyembro ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) IV-A ang dalawang resolusyong magtatatag at magpapalawig ng implementasyon ng National Urban and Peri-urban Ariculture Program (NUPAP), sa naganap na AFC Benchmarking and Consultative Workshop Cum Expository Tour on UPA sites in CALABARZON, noong Agosto 29-30, 2023, sa Mabitac, Laguna. Ang RAFC ay ang – continue reading
DA-4A, sinanay ang mga cluster sa pakikipagkalalan sa mga malalaking mamimili ng produktong agrikultural
Patuloy ang pagsulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program katuwang ang Jollibee Group Foundation sa proyektong Agro-Entrepreneurship Clustering Approach (AECA) sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga magsasaka ukol sa pagiging entrepreneur. Ang AECA ay isang proseso na naglalayong maturuan ang mga magsasaka ng mga estratehiya sa pagnenegosyo – continue reading
P10-M halaga ng pasilidad, interbensyon, pinagkaloob ng DA-4A sa magbababoy ng Bauan
Aabot sa sampung milyong pisong halaga ng pasilidad at iba pang suporta ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Gulayamanan Agriculture Cooperative sa Brgy. Durungao, Bauan, Batangas noong Agosto 25, 2023. Nakapaloob sa naturang suporta ang Biosecured and Climate-Controlled Finisher Operation Facilty, 300 bags ng starter feeds, 371 bags ng grower feeds, 300 – continue reading
Pamumuno, pagsisimula at pagpapatibay ng Samahan at iba pa, itinuro ng DA-4A sa mga katutubo ng Real
Sa pangunguna ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program, isinagawa ang Training on Values Formation, Leadership, and Organizational Strengthening, Capability Building on Documentary Requirements, and Vegetable Production and Botanical Concoctions noong ika-23 hanggng ika-24 ng Agosto, 2023 sa Brgy. Lubayat, Real, Quezon. Tinuruan ang 52 katutubo kung – continue reading
52 katutubong magsasaka sumailalim sa leadership training ng DA-4A
Pinalakas sa Values Formation, Leadership at Organizational Strengthening ang 52 katutubong magsasaka sa Catanauan, Quezon sa pangangasiwa ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) program noong Agosto 9-11, 2023. Ang programang 4K ng Kagawaran ay layong magbigay ng suporta sa mga katutubong magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng – continue reading
Pagsasanay para sa pagtatatag ng Halal Meat Shop, isinagawa ng DA-4A
Sa pangunguna ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Halal Program katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) at City Veterinary Office ng Tanauan, Batangas, isinagawa ang pagsasanay sa pagtatatag ng Halal Meatshop noong ika-16 hanggang ika-17 ng Agosto, 2023 sa Argosino Hall, LARES Compound, Lipa City, Batangas. Ito ay dinaluhan ng tatlumpong kalahok mula sa – continue reading
Limang taong plano para sa pagpapaunlad ng sakahan, isinusulong sa pamamagitan ng clustering, consolidation ng DA-4A
Isang serye ng pakikipagpanayam sa mga Samahan o cluster ng magsasaka sa CALABARZON ang patuloy na isinasagawa ng Department of Agriculture IV-A (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2 Program) upang buuin ang limang taong plano na magpapaunlad sa kanila simula sa produksyon hanggang pagmamarket. Ang planong ito ay tinawag na “Cluster Development Plan” – continue reading
Pag-aaral sa daloy ng mga produktong agrikultural, patuloy na isinusulong ng DA-PRDP RPCO CALABARZON
Patuloy na isinasagawa ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Regional Project Coordination Office (RPCO) CALABARZON ang pag-aaral nito sa mga daloy ng produktong agrikultural o Value Chain Analysis (VCA). Ito ay upang patuloy na magabayan ang mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong sektor, at mga magsasaka sa pagbuo ng mga – continue reading
P2.5-M halaga ng interbensyon, ipinagkaloob ng DA-4A sa DA-accredited CSO
Pormal na tinanggap ng YAKAP AT HALIK Multi-Purpose Cooperative (MPC) sa Cavite ang kumpletong Organic Hub Facilities mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program (OAP) noong ika-9 ng Agosto, 2023 sa General Emilio Aguinaldo (GEA), Cavite. Ang YAKAP AT HALIK MPC ay isang akreditadong Civil Society Organization (CSO) na katuwang ng kagawaran – continue reading
P2.2-M halaga ng interbensyon para sa pagpapalawig ngUrban Agri
Aabot sa P2,250,300.00 ang kabuuang halaga ng interbensyon na ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para sa lungsod ng Sto. Tomas, Batangas noong ika-8 ng Agosto sa National Shrine of Padre Pio, Brgy. San Pedro, Sto.Tomas, Batangas. Ito ay sa pamamagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) ng Kagawaran na naglalayong mapataas – continue reading