Naging inspirasyon ng Sorosoro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative (SMASC) ang ilan sa naglalakihan at mauunlad na kooperatiba sa bansa sa paghahangad nito na mapaunlad ang kalagayan ng bawat miyembro at kani-kanilang pamilya. Sa pagtuon nila sa produksyon ng dilaw na mais, gamit ang makabagong pamamaraan ng pagsasaka, unti-unti nilang napataas ang kanilang ani – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Patuloy na nagsusumikap si G. Orlando Pedraza kasama ang kaniyang mga magulang sa pagsasaka. Nagawa nilang produktibo ang dating tubuhan sa pamamagitan ng pag-aalaga rito ng iba’t ibang hayop at pagtatanim ng mga gulay at iba pang pananim. Si Kuya Orlan ay isa nang aktibo at responsableng lider-magsasaka sa kanilang pamayanan. Ibinabahagi niya sa – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Dahil sa aktibong pakikilahok, bolunterismo, at pamamahala ng Tayabas City Agricultural and Fishery Council (CAFC), iba’t ibang programa at proyekto ang naisasagawa nito na karamihang nauugnay sa climate change adaptation and mitigation, at pagpapaunlad ng pananalapi ng konseho (i.e., pagtatanim ng mga puno; pagsasagawa ng mga pagsasanay sa pagpapalago ng halaman; organikong paggugulayan; paghuhulog – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Si G. Nelson Padin ay patuloy sa pagpapaunlad ng kaniyang sarili sa iba’t ibang larangan ng pagsasaka. Ipinapatupad niya ang integrated farming system – pagtatanim ng palay, niyog, saging, kamoteng kahoy, at mga gulay; at pag-aalaga ng baboy, tilapia, at katutubong manok. Siya ay tumatayong pangulo ng pederasyon ng 4-H Club sa lungsod ng Tayabas. Nakikibahagi – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Si G. Florencio “Flory” Sera ay tumatayong pangulo ng Samahan ng Industriya ng Paggugulayan sa Pagbilao habang si Gng. Luisa Sera ay tumutulong sa pangangasiwa ng kanilang bukirin. Ang kanilang mga anak naman na sina Mary Grace at John Mark ay mga aktibong miyembro ng 4-H Club Pagbilao. Ang Pamilyang Sera ay patuloy na – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Ang MAMALAHIN 2 Rural Improvement Club (MAMARIC), na samahan ng mga nanay na magsasaka, ay nagsimula sa paggawa ng dishwashing liquid. Lumawak ang kanilang negosyo at nakagawa sila ng iba’t ibang produkto tulad ng instant salabat; mango chutney; atchara; Spanish sardines; banana, cassava, at sweet potato chips; kutsinta; cheese puto; at calamansi jelly at jam – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang tuparin ang kaniyang kagustuhang magtanim. Kaya nang siya ay nagretiro noong Nobyembre 2012, sinimulan ni G. Florencio A Flores na linangin ang kaniyang lupain sa pamamagitan ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay at pag-aalaga ng mga hayop; at sa tulong ng mga makabagong kasanayan sa pagsasaka tulad ng pruning, – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Aktibong nakikiisa at nakikibahagi si G. GeVanie Magpantay sa iba’t ibang programa at aktibidad na isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka, sa tulong ng tanggapan ng panlalawigan at ng pambayang agrikultor, tulad ng Farmers’ Field School, Farmers’ Productivity Enhancement Program, Farmer-Scientists’ Training Program, at iba pa. Dito ay marami siyang natutunan at patuloy na natututunang mga – continue reading
PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!
Dahil sa kagustuhan at pagsusumikap ni G. Alvin Ray Rivera na matutunan at maging marunong sa mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay (hybridization), nagawa niyang umani at kumita nang mas malaki sa kaniyang limang (5) ektaryang sakahan. Marami sa kaniyang mga kapwa magsasaka ang namangha sa pakinabang na idinulot nito sa kanila. Kaya naman sila – continue reading