Ni: Nataniel R. Bermudez
Isang pagpupulong ang ginanap nitong ika-20 ng Disyembre 2017 sa pamumuno ng Corn Banner Program ng Kagawaran ng Pagsasaka RehIyon IV CALABARZON sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Marauoy, Lipa City, Batangas.
Kasama ang mga Local Government Units at Stakeholders sa nasabing pulong, tatlong mahahalagang bagay ang pinag-usapan. Una, Presentation of 2017 Accomplishment; pangalawa, Production Targets of Accomplishments; at ang pangatlo ay ang Targets and Budget for 2018.
Nagpasalamat si Assistant Regional Director Milo D. Delos Reyes para sa Operations at Extension sa pagtugon ng mga kasaping dumalo dahil sa buwan ng pagtatapos ng taon ay maraming mga gawain na hinahabol. Nagpaabot din ng pagbati sa matagumpay na programa ng Corn at Cassava sa pangunguna ni Gng. Avelita M. Rosales, Regional Corn Focal Person at Hepe ng Lipa City Agricultural Research and Experiment Station (LARES) dahil sa tulong nila.
Tinalakay din ni ARD Milo Delos Reyes ang mga alituntunin sa paggawa ng mga panukala kung papaano makakuha ng tulong (interventions) sa taong 2019. Si Dennis Arpia, OIC ng Operations Division ay ibinigay naman ang mga pamamaraan kung papaano makakakuha ng ayuda tulad ng buto at sa post-harvest machineries, equipments and facilities batay sa Memorandum order No. 25, series of 2016 ni Kalihim Emmanuel F. Piñol.
Binigyan diin sa pulong ang tungkol sa mga ayudang kagamitan na hiningi ng mga LGUs at mga magsasaka na hindi naman ginamit. Ito ay kukunin ng Kagawaran at ibibigay sa mga magsasakang higit na nangangailangan matapos magkaroon muna ng konsultasyon mula sa barangay, bayan, lalawigan bago ito ay ipamamahagi sa ibang lalawigan ng CALABARZON.
Si OIC- Chairperson Pedrito Kalaw ng Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) naman ay nakibahagi din sa pagpupulong. Mahalagang impormasyon tungkol sa marketing strategies ang kanyang inilahad sa mga nagsidalo