Nagpulong ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Commission on Audit Region IV-A (COA-4A) ukol sa pagpapaigting ng pinansyal na pagtutuos sa pondo na inilaan sa mga proyekto ng DA-4A sa rehiyon para sa 2022.
Layunin ng aktibidad na talakayin ang mga pamantayan ng COA sa pamamahala ng pinansyal na transaksyon ng DA-4A kaugnay ng implmentasyon ng mga proyekto at programa nito.
Pinangunahan ni OIC-Regional Executive Director Engr. Abelardo Bragas ang mga kawani ng DA-4A sa nasabing pagpupulong habang si OIC-Regional Supervising Auditor Norminda Irica para sa hanay ng COA-4A.
โSa ngalan ng DA-4A, nagpapasalamat kami sa fruitful guidance ng COA para sa ikasasaayos ng ating audit at financial system. Lahat ng ito ay tulong-tulong nating inuunawa upang patuloy na magsulong ng mga makabuluhang proyekto ng gobyerno para sa ikasasagana ng buhay ng ating mga magsasaka,โ ani Director Engr. Bragas.
Samantala, nagpasalamat si Auditor Irica sa pagkakataong makapagpulong ang dalawang ahensya para sa ikabubuti ng pagtutuos ng mga naisagawang proyekto ng DA-4A.
Ilan pa sa mga tinalakay ay ang mga saklaw at pamamaraan sa pagtutuos, at iba pang dokumento na kailangang maipasa gaya ng disbursement journal at annual report.
Nakibahagi rin sa aktibidad sina OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Marcos Aves, Sr., OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations, and Integrated Laboratories Fidel Libao, at iba pang kawani ng DA-4A. #### (ย ย Danica Daluz)