Nilagdaan ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) at ng DA Bureau of Agricultural Research ang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Yamang Lupa: Sustainable Community-Based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment, and Prosperity (YL: SCALE UP) Program in Quezon Province, noong ika-6 ng Hunyo, 2022 sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station Conference Hall, Batangas.
Layunin ng programa na panatilihing malusog ang mga lupang taniman sa pamamagitan ng makabago at sustenableng pamamaraan sa pagsasaka habang tinutulungan na pataasin ang ani at kita ng mga magsasaka.
Tinatayang nasa P5,480,000 halaga ng pondo ang nakalaan sa proyekto na papakinabangan ng dalawang libong magsasaka ng Pagbilao at Tayabas City, Quezon.
Bahagi ng programa ang pagpapatupad ng mga sumusunod na components: Program Management Structure and Policies; Productivity Enhancement and Natural Resource Management Towards Sustainable Farming; Capability Building and Community Empowerment; at Sustainable Livelihood, Marketing, and Income Enhancement.
βIsa pong malaking karangalan na maging kabahagi ang ahensya sa isang proyekto na tutulong na mapanatiling malusog ang yamang lupa habang binibigyan ng oportunidad ang mga magsasaka ng rehiyon. Kami po ay patuloy na makikipagtulungan para sa ikatatagumpay ng programa,β ani DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa.
Inaasahang mag-uumpisa ang programa ngayong Hunyo at tatagal hanggang Disyembre 2022.
Nakiisa rin sa Ceremonial MOA Signing sina OIC-Regional Technical Director (RTD) for Research and Regulations Engr. Marcos C. Aves, Sr., OIC-RTD for Operations and Extension Engr. Abelardo R. Bragas, DA-BAR Assistant Director G. Joel Lales, YL National Program Director Dr. Virgilo Julius Manzana, Jr., DA-4A Research Division Chief Gng. Eda F. Dimapilis at Assistant Chief Gng. Aida P. Luistro, DA-4A Regional Soils Laboratory Chief Gng. Nora Talain, YL Region 4A Project Leader Dr. Dario Huelgas, at iba pang kawani ng DA-4A.
#### (βπΈ:Jayvee Amir P. Ergino)