Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa sabayang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo na isinagawa sa 16 na lokal na pamahalaan sa National Capital Region at 82 probinsya sa bansa kabilang ang mga probinsya ng CALABARZON noong ika-17 ng Hulyo.
Ang malawakang pagtataguyod ng Kadiwa ng Pangulo sa bansa ay sa pagsasatupad ng pamahalaan ng pagpapaigtingin ng produksyon ng agrikultura at pagsisiguro ng sapat na pagkain sa bawat pamilyang Pilipino. Ito ay tulong sa paglalapit ng mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda tulad ng bigas, gulay at prutas, isda, manok, at iba pang pangunahing bilihin sa abot-kayang halaga sa merkado at mga konsyumer.
Kasabay na isinagawa ang pagpirma ng Memorandum of Agreement ng magkakatuwang na ahensya ng pamahalaan. Ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.
Ang mga samahang benepisyaryo ng KADIWA program sa rehiyon na naging kalahok ay ang Cafe Amadeo Development Cooperative, Daine 1 and 2 Farmers Associations Inc., General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative (MPC), Alfonso Cavite Farmers Producers Cooperative at Magallanes Samahan ng Magsasaka ng Kay-apas at Medina Agriculture Cooperative sa probinsya ng Cavite, Sentrong Ugnayan ng Mamamayang Pilipino MPC, Liliw Upland Marketing Cooperative, PNOPAC at Syudad Agrikultura Agricultural Trading Products sa probinsya ng Laguna. Sa Batangas ay ang Ibabao MPC, Southern Luzon Farmers and Traders Agriculture Cooperative, Buklod-Unlad MPC, Salaban II Womenβs MPC, Batangas City Rural Improvement Cooperative, Samahan ng Maggagatas ng Batangas Cooperative, The Rosario Livestock Industry Agriculture Farming Cooperative at Menami Farm.
Nakilahok naman mula sa Rizal ang Lupang Arenda MPC, Pacheco Agrarian Reform Cooperative, Sampaloc Agrarian Reform Beneficiary Cooperative at Hiyas Urban Mushroom. At mula naman sa Quezon ay ang Luntian MPC, High Value Crops Marketing Cooperative of Quezon, Samahang Magsasaka ng Nieva, Pinagdanlayan Rural Improvement Club MPC, Pinagdanlayan MPC, Cruzines Point Integrated Farm at Singko Senyoras Food Products.
Ang mga lumahok sa rehiyon ay inasistehan ng DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan ng limang probinsya. Inaasahan ang patuloy na pagpapaigting ng pagkakaroon ng dagdag pang kadiwa ng pangulo outlets sa mga darating na araw.