Prinesenta ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang FY 2023 Plan and Budget Proposal sa Accredited Civil Society Organizations (CSOs) sa rehiyon noong ika-25 ng Abril sa LARES Conference Hall, Lipa City, Batangas.
Alinsunod sa Agriculture and Fisheries Modernization Act, kinikilala ng Kagawaran ang CSOs kagaya ng people’s organizations, cooperatives, at non-government organizations bilang kaagapay sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura.
Inihayag ni DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa ang kabuuang plano ng ahensya sa taong 2023 at pondo na aabot sa mahigit isang bilyong piso sa 20 DA-4A accredited CSOs at sa pamunuan ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC).
“Sinisigurado po natin na ang lahat ng programa para sa mga magsasaka ay angkop at magdadala ng pagyabong at pag-unlad sa ating sektor. Asahan po ninyo na patuloy kaming makikipagtulungan at tutugon sa iba’t ibang pagsubok sa industriya,” ani Asec. de Mesa.
Samantala, naging positibo ang pagtanggap ng mga kalahok sa naipresentang plano para sa industriya.
“Malaking bagay po na mawalak ang nasosolusyunan ng bawat programang pang-agrikultura na inyong nailahad; malalaking programa na tiyak na angkop sa ating pangangailangan,” ani Yakap at Halik Multi-Purpose Cooperative Quezon I General Manager G. Robert Diala.
Bilang opisyal na tugon ng pribadong sektor, pormal na inaprubahan ni Quezon Provincial AFC Chairperson Gng. Flordeliza Maleon ang mga naisangguning adhikain para sa agrikultura.
Ilan sa mga pangunahing programa ng opsina sa 2023 ay ang pagpapaunlad ng palayan, maisan, paghahayupan, high value crops, organic agriculture, halal, market development services, regulatory services, at konstruksyon ng farm-to-market roads.
Dumalo rin sa pagpupulong sina OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Engr. Abelardo R. Bragas; Planning, Monitoring, and Evaluation Division OIC-Chief Gng. Carmelita S. Ramos; Field Operations Division OIC-Chief Engr. Redelliza A. Gruezo, Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief Gng. Editha M. Salvosa, Research Division Chief at Organic Agriculture Program Coordinator Gng. Eda F. Dimapilis, DA-4A Halal Program Coordinator G. Antonio I. Zara, at iba pang kawani ng DA-4A.
####(✍📸:Jayvee Amir P. Ergino)