Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa selebrasyon ng Filipino Food Month sa pamamagitan ng KADIWA ni Ani at Kita sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) nitong ika-11 ng Abril sa LARES Compound, Lipa City, Batangas.
Ang Filipino Food Month ay ipinagdiriwang tuwing Abril na naglalalayong pangalagaan, pagyamanin, at isulong ang makasaysayan at malawak na pamanang kultura sa atin sa larangan ng pagkain o pagluluto. Ito ay dapat kilalanin at pahalagahan upang masigurong maisasalin ito sa mga susunod na henerasyon at patuloy na masuportahan ang iba’t ibang industriya, mga magsasaka, at agri-communities na nakikinabang dito.
Sa taong ito na may temang, “Pagkaing Pilipino, Susi sa Pag-unlad at Pagbabago,” sinisigurado ng Kagawaran ang pagbibigay ng angkop na suporta at tulong sa local producers, partikular sa mga maliliit na magsasaka lalo na sa teknikal na paggabay kabilang ang production at marketing services.
Hinikayat ni Gng. Editha M. Salvosa, hepe ng AMAD, ang pagsuporta ng mga kawani sa aktibidad at patuloy na pakikiisa sa mga gawain patungkol sa selebrasyon. Binigyang pugay niya ang Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) na nakilahok.
Ang FCAs na kabilang sa KADIWA ni Ani at Kita ay ang Southern Luzon Farmers’ and Traders’ Agriculture Cooperative; Rural Improvement Club Food Innovators; Atimoya Farmers’ Association, Inc.; Luntian Multi-Purpose Cooperative; MENaMi Farmville; Rural Improvement Club of Lipa City; Rootcrop Growers of Batangas; The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative; Pederasyon ng mga Samahan ng Magsasaka ng Tiaong, Quezon, Inc.; Lipa Beekeepers Marketing Cooperative; Mira’s Turmeric Products; at mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources IV-A, ang Yeyes Tinapa, Major Creations, at Fishers Multi-Purpose Cooperative.
#### (✍📸Chieverly Caguitla)