Pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang Investment Forum for Overseas Filipino Workers (OFW) sa Silang, Cavite mula ika-28 hanggang ika-29 ng Abril, 2022.
Ang forum na ito ay naglalayong ipakilala ang programa ng DA-4A at mga oportunidad sa pagnenegosyo sa sektor ng agrikultura sa repatriated OFWs.
“Katuwang n’yo ang DA-4A sa mga sinimulan at sisimulan n’yong agribusiness upang maging maganda, mabunga, at matagumpay kayo sa larangan ng agrikultura,” ani Gng. Editha M. Salvosa, hepe ng AMAD.
Tinalakay sa forum na ito ang mga programa sa pagmamais, paghahayupan, at high value crops ng DA-4A.
Samantala, ibinahagi ni Ma. Almira Silva ang kaniyang istorya kung paano siya nagtagumpay sa agribusiness kasama ang DA-4A at mga payo niya sa mga magsisimula pa lang ng pagnenegosyo.
Dinaluhan ng 50 repatriated OFWs ang nasabing aktibidad.
“Magandang forum ito ng DA-4A dahil nagkaroon ako ng ideya sa agribusiness. Dahil dito, naengganyo ako na mag-venture sa corn, high value crops, at livestock,” ani Alberto Halico, isang repatriated OFW ng Cavite.
Kasama ring naglahad ng kanilang mga programa sa forum ang Agricultural Training Institute, Agricultural Credit Policy Council, Cooperative Development Authority, Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry, Landbank, at Overseas Workers Welfare Administration.
#### (Ma. Betina Andrea P. Perez)