Tampok ang industriya ng pagkakakaw sa ginanap na CALABARZON CACAOCONGRESS ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ni Regional Executive Director Milo delos Reyes sa Cultural Center ng Laguna sa bayan ng Sta. Cruz.
Ito ang kauna-unahang cacao congress na idinaos sa rehiyon bilang pagtitipon samga magkakakaw upang ipakita ang kanilang mga produkto, talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng industriya, at maibahagi ang mga makabagong teknolohiya sa produksyon hanggang sa pagdala sa merkado.
Nagpasalamat si Direktor delos Reyes sa mga dumalo at ipinarating ang patuloy na suporta ng ahensya katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa palaging pagantabay at pagbibigay ng suporta sa kanila.
Masaya namang ibinahagi ni Nancy Casco, pangulo ng Rizal Cacao Growers Industry Development Council at Cacao Growers Association of Tanay ang kanyang pagkasabik sa naganap na congress. Aniya, napakaganda ng ganitong pagtitipon para mas matulungan pa ang mga nagtatanim ng kakaw katulad nila. Ibinida ang mga produkto mula sa mga Cacao Farmers Association ng mga bayan sa limang lalawigan ng rehiyon.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani ng DA-4A High Value Crops Development Program, Agribusiness and Marketing Assistance Division at Agricultural Programs Coordinating Office ng Laguna at mga representante mula sa iba pang opisina ng ahensya. Sinuportahan din ng mga katuwang na ahensya mula sa DA-BPI, DA-ATI 4A, CDA, PCA, DOST-PCAARRD, at DTI ang naturang congress.
Inaasahan na sa pamamagitan nito ay patuloy na mapapalakas at mapapaangat pa ang industriya ng pagkakakaw sa CALABARZON. ####