Nagsagawa ang Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Orientation on Food Lane Project noong ika-7 ng Hunyo, 2022.
Ito ang upang ipaalam sa truck owners, operators, at drivers ang mga panuntunan at proseso sa pagkuha ng Food Lane Accreditation.
Ang Food Lane Project ay ang sama-samang pagsisikap ng DA, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang magkaroon ng mas mabilis at ligtas na paghahatid ng mga produkto sa Metro Manila.
“Nagpapasalamat kami sa pagsisiskap ng DA at iba pang mga ahensya dahil kung dati ay madami kaming iniiwasan na mga oras upang maiwasan ang mabigat na trapiko, ngayon naman ay mapapadali ang pagdadala namin ng mga manok sa iba’t ibang parte ng bansa,” ani ni G. Gilbert Acopeado, drayber ng KJMI Trucking Services.
“Nagpapasalamat kami at kaagapay po namin kayo sa ligtas at mabilis na paghahatid ng mga produktong pang-agrikultura sa iba’t ibang parte ng Metro Manila,” ani ni Assistant Secretary for Operations at Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa.
Dumalo rin sa nasabing oryentasyon sina DA-4A AMAD Assistant Division Chief and Agribusiness Industry Support Section Chief G. Justine Marco M. Vivas, PNP Regional Highway Patrol Unit 4A Police Chief Master Sergeant G. Lian E. Manalo, sina DILG Bureau of Local Government Supervision Local Government Operations Officer V Engr. Emelita V. Danganan, MMDA Inspectorate Group Chief Inspectorate G. Miguel E. Panal sa pamamagitan ng Zoom, at iba pang kawani ng DA-4A.
#### (✍📸: Ma. Betina Andrea P. Perez)