Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pambansang kampanya tungo sa paglaban sa Violence Against Women and Children (VAWC) sa ginanap na flag ceremony noong ika-28 ng Nobyembre 2022.

Bilang tanda ng suporta, nagsuot ang mga kawani ng VAWC shirt at iba pang kahel na kulay ng kasuotan.

Ang aktibidad ay alinsunod sa Republic Act (RA) 10398 na nagtatakdang ituring na National Consciousness Day ang ika-25 ng Nobyembre para sa eliminasyon ng VAWC kalakip ang tema na “UNiTEd for a VAW-free Philippines”. Ang nasabing kampanya ay mananatili nang labing-walong araw simula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 15.

#### (✍🏻Danica Daluz 📸Jonas Palma)