26 na kwalipikadong magsasaka ng mais ang nabigyan ng fuel discount card noong Hunyo 13 ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ng Corn banner program sa Balayan, Batangas.
Ang fuel discount card ay naglalaman ng P3000.00 halaga na maaaring magamit sa pagbili ng gasolina para sa mga makinaryang pangsaka. Ito ay bahagi ng fuel discount program ng Department of Agriculture na naglalayong makatulong sa mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng makinarya sa pagsasaka at pangingisda na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Kinakailangan na nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture at may katibayang nagmamay-ari ng makinaryang pangsaka upang maging benepisyaryo ng programa.
Maaari namang magamit ang fuel discount card sa mga katuwang na gasolinahan ipresenta lamang ang fuel discount card at Valid ID upang makumpirma ang pagkakakilanlan sa paggamit ng card.
Tinatayang aabot sa 587 na magsasaka ng mais ang target na mabigyan ng fuel discount card sa probinsya ng Batangas.
#### (✍: Chieverly Caguitla; photos from Corn program)