Nakatanggap ng interbensyong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng P12,524,352 ang mga magsasaka ng Balete, Batangas.
Ito ay bahagi pa rin ng implementasyon ng Taal Rehabilitation and Recovery Program.
Ang ilan sa mga tulong na naipamahagi ay botanical concoction, coffee dryer, multi-cultivator, four-wheeled drive tractor, garden tools, grass cutter, greenhouse, hermetic bag for coffee, knapsack sprayer, mesh net, nursery, power sprayer, pruning saw and shear, shredder machine, UV plastic, water plastic drum, wood vinegar, plastic mulch, seedling tray, corn sheller, at solar-powered irrigation system.
“Napakalaking bagay ng mga ito sapagkat kung hindi dahil sa tulong ng DA, hindi namin alam kung paano kami makakabangon sa sunud-sunod na pagsubok,” ani Reynaldo Caguitla, magsasaka at chairman ng Committee on Agriculture ng bayan ng Balete.
Pinangunahan nina DA-4A Field Operations Division (FOD) Chief Engr. Redelliza A. Gruezo, FOD Assistant Chief Fidel L. Libao, at iba pang mga empleyado ng DA-4A ang nasabing pamamahagi.