Pinangunahan ni Assistant Secretary for Operations at Regional Executive Director, Arnel De Mesa ang pulong kasama ang National Irrigation Administration IV-A (NIA IV-A) noong ika-15 ng Hunyo sa DA-4A, LARES Hall, Lipa City, Batangas.
Sa pagbalik ng National Irrigation Administration (NIA) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) sa bisa ng Executive Order No. 168, Series of 2022, isinagawa ang aktibidad upang masiguro ang episyenteng pamamahala ng suportang patubig at pang- irigasyon partikular sa rehiyon CALABARZON. Tinalakay din ang kasalukuyang mga proyekto at programa sa ilalim ng DA-4A at NIA IV-A upang maiayon ang mga ito sa patuloy na pagsuporta sa mga magsasaka ng rehiyon.
Ayon kay ASec. De Mesa, ang pagbalik ng NIA sa DA ay hakbang tungo sa pagpapalawig ng tulong sa mga magsasaka. “Layon natin na mas lalong palakasin ang mga Irrigators Associations ng rehiyon at magkaroon sila ng access sa maraming assistance na mayroon ang DA. The one thing that we initially need to collaborate on is to find out the statistics ng mga farmers na covered ng NIA IV-A, irrigation systems na registered or not sa RSBSA,” aniya.
Samantala, tinalakay ni NIA IV-A Regional Manager Wilson Lopez ang mandato ng ahensya katulad ng konstruksyon ng mga dam at irrigation facilities na kabilang din sa pagsiguro ng food sufficiency.
Sa pagtatapos, siniguro ni RTD for Operations and Extension, Engr. Abelardo Bragas, ang patuloy na pakikipagtulungan ng DA-4A upang masiguro ang pakinabang ng mga proyekto at programa para sa mga magsasaka.
Kasama sa pagpupulong mula sa NIA IV-A sina Engr. Erwin Lucela, Engr. Romulo Angeles, Engr. Norma Valin, Engr. Fidel Martinez, Engr. Jaime de Jesus, Engr. Edwin Nazareno, at Ms. Sofia Resurreccion. Dinaluhan naman nina RTD Marcos Aves Sr., Gng. Carmelita Ramos, Gng. Eda Dimapilis, Engr. Romelo Reyes, Gng. Edna De Jesus, APCO Fidel Libao at mga kawani ng DA-4A mula sa PMED at banner programs.
#### (✍📸:Chieverly Caguitla)