Pinasinayahan ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program (OAP) ang pagdiriwang ng Regional Organic Agriculture Month 2021 na may temang, “Organikong Pagsasaka, Sagot sa Pandemya,” sa Nawawalang Paraiso, Tayabas City, Quezon, noong November 24, 2021.
Pormal na binuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng ribbon-cutting sa pangunguna ni DA-4A OAP Coordinator Gng. Eda F. Dimapilis.
Sa kaniyang mensahe, ibinida niya ang ambag ng sektor ng organikong magsasaka sa panahon ng pandemya.
“Nais ko po kayong pasalamatan sa kontribusyon at dedikasyong inyong ipinakita sa kabila ng mga pagsubok na dala ng pandemya,” Ani Gng. Dimapilis.
Sa pamamagitan ng isang video message, ipinaabot ni OIC-Regional Executive Director na, “Ating maipagmamalaki na napakalakas ng organic agriculture sa ating rehiyon. Sa katunayan nga ay mayroon tayong mahigit sa walong libong organikong magsasaka, labing isang organic farm, at walong organic trading post.”
Ipinabatid ni National Organic Agriculture Program Director Gng. Bernadette San Juan sa pamamagitan ni Interim Chief Gng. Lea Deriquito, ang paghanga sa rehiyon sa matagumpay na pagpapalawig ng organikong pagsasaka.
Kasama sa mga dumalo ang nasa 123 organikong magsasaka mula sa iba’t ibang dako ng rehiyon.
Bahagi ng selebrasyon ang pagsasagawa ng technology forum, product exhibits, introduction to Participatory Guarantee System, Farmer’s Hour-OA Journey, at ang Farmer’s Forum.
Inaasahan din ang pagsasagawa ng OAP Presentation of Accomplishment and Plans for 2022; OA Hub Orientation Guidelines; Launching of OA Promotion; Presentation of Farmer’s Problems, Issues, and Concerns; at pagpaparangal sa ikalawang araw, Nobyembre 25, 2021. #### ( Jayvee Amir P. Ergino;ย ย ๐ธKevin Anthony F. Armintia)