Nakipagpulong ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes, sa 38 miyembro ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) sa ginanap na Sectoral Meeting on Poultry and Livestock, noong ika-11 ng Oktubre, sa Lipa City, Batangas.
Tinalalakay sa aktibidad ang tungkol sa Avian Influenza, estado ng African Swine Fever sa rehiyon, at pagpapalawig ng implementasyon ng biosecurity.
βTayo po ay nagkasama-samang muli upang talakayin ang mga banta sa sektor ng paghahayupan at mga solusyon ating isinasagawa at dapat pang paunlarin,β ani DA-4A RAFC Executive Officer Engr. Abelardo Bragas.
Ibinahagi ni DA-4A Livestock Program Focal Dr. Jerome Cuasay na sa kasalukuyan, 35 bayan at siyudad sa rehiyon ay kasama na sa ASF color-coding scheme na pink zone o walang aktibong kaso ngunit adjacent sa mga bayan na mayroong kaso ng ASF.
Binigyang diin ni Dir. delos Reyes ang mahalagang tungkulin ng pribadong sektor bilang kaagapay ng DA sa pagbubuklod at pagpapayabong ng sektor ng agrikultura.
“Isa sa ambag ninyo sa ating sektor ang pagbuo ng mga resolusyon. Malaking bagay ang mga resolusyon pero tandaan ninyo na balewala ito kung walang kooperasyon. Ang patuloy na pagbabago at pag-unlad ay magsisimula sa atin at kailangan na natin itong simulan ngayon sa ating mga sarili,” ani Dir. de los Reyes.
Kasabay ng aktibidad, nakapagpasa ang pamunuan ng RAFC ng walong resolusyon na iprinesenta ni RAFC Vice Chairman Gaudencio Genil sa DA-4A at mga kasamahan mula sa Provincial Veterinary Office ng Cavite at Batangas. #### (: Jayvee Amir P. Ergino)