Isinusulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) ang mobilisasyon ng State Universities and Colleges (SUCs) sa pagpapaunlad ng agrikultura.
Ito ay sa pamamagitan ng layuning makapagsagawa ng career orientation sa mga edukasyonal na institusyon sa rehiyon bilang inisyatibo sa mga mag-aaral na mamulat sa industriya ng agrikultura. Dito ay ilang teknikal na kawani at eksperto ang inaanyayahan upang makapagbigay ng kaalaman ukol sa AFC at sa iba’t ibang programa ng DA-4A.
Kalakip nito, tampok ang paglahok ng mga mag-aaral na magtatapos sa mga kursong may kaugnayan sa agrikultura sa unang career orientation na isinagawa sa Southern Luzon State University (SLSU) noong ika-3 ng Hulyo sa Lucban, Quezon.
Ayon sa isang propesor at namamahala ng Career and Job Placement Services sa SLSU na si Prof. Gino Cabrera, napakahalagang nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipahayag ang kani-kanilang mga katanungan para sa mga inaasahan nilang harapin pa sa mundo ng agrikultura lalo pa at nalalapit na ang kanilang pagtatapos.
Samantala, ang mga nakibahagi sa naturang aktibidad ay sina RTD for Research and Regulations at RAFC Executive Officer Fidel Libao, Quezon Agricultural Research and Experiment Station (QARES) Chief Wilmer Faylon, Agricultural Center Chief II at Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Focal Person Jhoanna Santiago, QARES Senior Science Specialist Dennis Bihis, Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) Partnership Development Division Chief Melinda Quinones, at United Batangas Swine Raisers Association (UNIBAT) Vice President for Marketing Daniel Keh. #### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)