« of 6 »

Bilang bahagi ng pagsubaybay ng pangkalahatang operasyon ng Department of Agriculture IV-A–CALABARZON (DA-4A), binisita at sinuri ni Farmer-Director Pedrito R. Kalaw ang kalagayan at operasyon ng agricultural research and experiment stations nito sa Rizal at Quezon.

Kasama ang mga opisyal ng DA-4A na sina Regional Technical Director for Research and Regulations Engr. Marcos C. Aves, Sr., Research Division Chief Eda F. Dimapilis, at Regional Agricultural Engineering Division Chief Engr. Romelo Reyes, pinangunahan ni farmer-director Kalaw ang talakayan sa mga kasalukuyang aktibidad, proyekto, pangangailangan, at iba pang mahahalagang usapin ng mga istasyon. Binisita rin nila ang mga pasilidad dito tulad ng greenhouses, atbp.

“Isinusulong ng research ang pagpapalawak ng kaalaman sa agrikultura tungo sa pag-unlad nito at pagpapaigting ng seguridad ng pagkain sa bansa. Kaya naman, napakahalagang mapaghusay at mapagtulungan natin ito kasama ang ating partners tulad ng state universities and colleges, non-government organizations, atbp.,” ani farmer-director Kalaw.

Samantala, ipinayo naman ni Engr. Aves na mahalaga ring mabigyan ng sapat na atensyon at pondo ang aspetong ito ng operasyon ng Kagawaran. Hinimok niya ang paghahanda ng isang Regional Agriculture and Fisheries Council resolution upang mapahusay pa ang mga kagamitan at istruktura ng mga pasilidad sa mga istasyon.

Aktibo ring dumalo ang mga hepe ng mga binisitang Agricultural Research and Experiement Stations na sina G. Orlando A. Calcetas, PhD at G. Rolando P. Cuasay. Sa mga susunod na araw naman ay bibisitahin ni farmer-director Kalaw ang istasyon sa Batangas at Cavite.
####(✍📸:RAFIS)