Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Enlistment Caravan, noong ika-8 hanggang ika-10 ng Hunyo, sa Nasugbu, Batangas.
Layunin ng aktibidad na pataasin ang bilang ng mga RSBSA registered na magpapalay at maisama sa kabuuang listahan ng National Farmers’ and Fishers’ Online Registry System.
Karagdagang 305 na magpapalay mula sa 22 Barangay ng Nausgbu ang tagumpay na nakapagproseso ng requirements at opisyal nang nakatala sa RSBSA.
Patuloy na hinihikayat ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na paigtingin ang pagpapatala ng mga magsasaka at makinabang sa iba’t ibang tulong at programa ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Ngayong taon, inaasahang makakatanggap ang mga RSBSA registered na magpapalay ng dekalidad na hybrid and certified na binhi mula sa National Rice Program.
“Nagpapasalamat po ako sa DA sa pagbibigay ng pagkakataon na matulungan ang aming mga kasamahan na maging lehitimong magsasaka,” ani Banlikan Irrigators Association President G. Danilo Mercado.
“Napakahalaga po ng aktibidad na ito upang mas marami pang magsasaka ang makabilang sa iba’t ibang programa ng DA. Salamat po sa walang humpay na suportang ibinibigay ninyo para sa ating sektor,” ani Nasugbu OIC-MA Lora Destreza.