Upang masiguro ang kalidad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A), nagsagawa ang Regional Agricultural Engineering Division (RAED) katuwang ang Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ng Constructors’ Performance Evaluation.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng Constructors’ Performance Evaluation System
(CPES). Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng ebalwasyon ang mga konstraktor at mga kasalukuyang
proyektong kanilang ginagawa. Makakatulong ang ebalwasyon na ito upang masiguradong sumusunod ang mga konstraktor sa plano ng proyekto ganun din ang mga materyales na ginagamit dito para sa dekalidad na proyekto. Ang mga natuklasan kakulangan o findings ang siyang itatama o idadagdag ng mga konstraktor para sa ikakabuti ng proyekto.
Nauna nang nagkaroon ng CPES activity sa konstruksyon ng Del Rosario Diversion Dam sa Lopez, Quezon at Ilaya Canal Lining sa Tayabas City, Quezon sa ilalim ng Rice Program noong ika-30 ng Enero hanggang ika-2 ng Pebrero, 2023.
Ayon kay OIC-RAED Chief Engr. Romelo Reyes, kailangan natin masigurado na maayos na nagagawa ang ating mga proyektong pang-imprastraktura nang sa ganun ay magamit ng maayos ng ating mga magsasaka. Aniya, binabayaran ng tama ng gobyerno ang mga kosntraktor kaya kailangan din nilang gawin ng tama at naayon sa plano ang proyekto.
Samantala, kasama ang mga evaluators mula sa DA-Cordillera Administrative Region (CAR), nagkaroon
ng pinakahuling CPES activity ang DA-4A sa Macalelon, Quezon at San Luis, Batangas noong ika-31 hanggang ika-3 ng Agosto, 2023 para sa proyektong pang-impraktraktura sa ilalim ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) ng Livestock Program kung saan may pinapagawa ang DA-4A ng Biosecured and Climate-Controlled Finisher Operation Facilty.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina DA-4A Regional Executive Director Milo delos Reyes, Livestock
Program Coordinator Dr. Jerome Cuasay at mga kawani mula sa DA-4A at PCAF.