Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Orientation on the Food Lane Project sa LARES Conference Hall, Brgy. Maraouy, Lipa City, Batangas noong ika-11 ng Marso.
Ang Food Lane Project ay isang programa na pinamamahalaan ng DA, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay naglalayon na tulungang magkaroon ng maayos at mabisang sistema ang pagbabiyahe ng produktong pang-agrikultura mula sa mga rehiyon papunta sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.
Lumahok sa aktibidad ang 23 truck owners, operators, at drivers mula sa mga kompanya ng Khaleesi Trucking; SPMP Enterprise and Engineering Services; Micko’s Trading; BGHK Trucking Services; MP De Leon Trucking; Rovivrus Courier Services; at Royal Movers Transport Services.
Samantala, pinahalagahan naman ni G. Cesar S. Javier ang mahalagang gampanin ng DA.
“Bilang bahagi ng transport service carrier ng mga produktong pang-agrikultura, napakahalaga na makabilang sa oryentasyon na ito. Salamat sa DA sa pagbibigay ng oportunidad upang mapaalala sa amin ang dapat at hindi dapat sa proyekto at batas-trapiko,” Ani G. Javier, truck driver mula sa San Pablo City, Laguna.
Dumalo rin sa nasabing oryentasyon sina DA-4A AMAD Assistant Division and Agribusiness Industry Support Section Chief G. Justine Marco M. Vivas, DILG Bureau of Local Government Supervision Local Government Operations Officer V Engr. Emelita V. Dangan, PNP Regional Highway Patrol Unit 4A Police Chief Master Sergeant G. Lian E. Manalo, MMDA Inspectorate Group Chief Inspectorate G. Miguel E. Panal, at iba pang kawani ng DA-4A.
#### (: Jayvee Amir P. Ergino)