DA-4A, wagi sa may pinakamaraming nasuri na proyektong imprastraktura sa unang bahagi ng 2024

Nagkamit ng parangal ang Constructors’ Performance Evaluation System (CPES) Team ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa isinagawang Midyear Performance Review ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) sa unang linggo ng Agosto.


Ginawaran na “Most Active CPES Implementer Award” ang DA-4A CPES Team tampok ang apat na beses na pagbisita sa anim na proyektong imprastraktura ng Kagawaran sa unang bahagi ng taong 2024.


Ito ay ang tatlong Biosecured and Climate Controlled Finisher Operation Facility sa Ibaan, Batangas, Sariaya, Quezon, at San Pascual, Batangas; Agricultural Trading Center sa Sariaya, Quezon; Canal Lining sa Teresa, Rizal; at Small Water Impounding Project sa Pitogo, Quezon.


Samantala, kinilala na newly accredited Constructors’ Performance Evaluator (CPE) si Engr. Ronnel Perey para sa kanyang dedikasyon at serbisyo sa pagsasagawa ng CPES sa rehiyon ng CALABARZON.


Ang CPES ay isang batayang sumisiguro sa kalidad ng mga proyektong imprastraktura ng Kagawaran kung saan sinusuri ang pagsunod ng mga konstruktor sa plano, disenyo, at materyales na naaprubahan. Pinangungunahan ito ng Standards Regulations and Enforcement Section (SRES) ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED).

 

#### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)