Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang Information Campaign on Young Farmers Challenge (YFC) Program 2022 noong ika-12 hanggang ika-13 ng Mayo, sa Siniloan, Laguna at Indang, Cavite.

Ang YFC Program ay isang kompetisyong inilulunsad ng DA na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na makiisa sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbuo ng proyekto o imbensyon na makakatulong sa industriya at gawain sa pagsasaka.

Nakiisa ang 40 mag-aaral mula sa Laguna State Polytechnic University (LSPU)-Siniloan Campus at Cavite State University (CavSU).

“Atin pong inilunsad ang ang information campaign na ito upang ipaalam na mayroong programa para sa mga kabataan sa larangan ng pagsasaka. Ito ay paraan na rin po kayo ay hikayatin na maging kabilang ng sektor ng agrikultura. Handa po ang aming opisina na kayo ay tulungan sa anumang pangangailangan ninyo sa kompetisyon o anumang usapin sa pagpapaunlad ng agribusiness,” ani DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) Agribusiness Promotion Section Chief G. Richmond Pablo.

“Napakaganda po ng YFC program sapagkat mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matulungan at makiisa sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura. Natitiyak ko po na sasali at paghahandaan ko ang pagsali sa YFC at nang maibahagi ang aking thesis at mga proyekto,” ani LSPU Student G. Joseph Bautista.

Dumalo rin sa aktibidad sina DA Office of the Undersecretary for Consumer and Political Affairs Representative G. John Romar Pedrigal; LSPU-SC Director Atty. Rushid Jay Sancon; CavSU Innovation and Technology Support Office Director Dr. Teddy Tepora; CavSu College of Food, Agriculture, Environmental, and Natural Resources OIC-Dean Venus Saz; 2021 YFC Fund National/Regional Awardee Bb. Phoebe Alyssa Palacio; 2021 YFC Fund Provincial Awardee Engr. Lino II Alano; at iba pang kawani ng DA-4A.
####(โœ๐Ÿ“ธ:RAFIS)