Planong itayo sa lalawigan ng Cavite ang apat na ektaryang gulayan at isang ektarya para sa mushroom production sa mga susunod na araw bilang pagtalima sa usapan ng Asia Industrial Fund (AIF) ng China at ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4 CALABARZON.
Isang Memorandum of Understanding/Memorandum of Agreement ang kasalukuyang ipinagagawa kaagad ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa na lalagdaan ng AIF at kanyang tanggapan para mapadali ang transaksyon at maging opisyal bago matapos ang taon.
Ang kupunan ng AIF ay pinamunuan ni Chief Executive Officer Shui Sheng Huang, isang pribadong samahan na ang stratehiya ay nabuo sa ilalim “Belt and Road”. Isang programang pangkaunlaran ng China.
Sa pagpupulong, ipinahayag ni RED de Mesa ng Kagawaran na nakahandang tumulong ang kanyang opisina para sa katuparan ng proyekto.
Ang pahayag ay ginawa nang bumisita at nagpulong ang kupunan noong ika-18 ng Disyembre 2019 sa Conference Room ng nasabing tanggapan sa Visayas Ave. Diliman, Quezon City. NRB, DA-RAFIS