Nakiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 2019 National Rice Awareness Month na ginanap sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila noong Nobyembre 28 – 29 ng taong kasalukuyan.
Naging tampok sa padiriwang ang ika-17 Ceremonial Rice Harvesting na ginanap sa Rice Garden ng Rizal Park. Itinaon din dito ang Farmer’s Market na kung saan naroon ang mga grupo ng magsasaka na ipinamalas at inilako sa lahat ang kani-kanilang produkto.
Ang rice garden ay itinatag upang maipamalas sa mga taga-Maynila ang kaalaman kung anong uring halaman ito, papaano lumaki at magbutil para gawing bigas. Upang mapataas din ang kamalayan at moral sa kahalagahan ng mga magsasaka ng palay sa bansa.
Kasama sa kampanya ng kahalagahan ng bigas ay ang masustansya at ligtas na pagkaing gulay mula sa mga nagtataguyod ng Organikong pamamaraan ng pagsasaka sa CALABARZON.
Ang kinatawan ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa ay si Editha M. Salvosa, Hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) na siyang namahala sa labing-apat na exhibitors na tumugon sa nasabing pagdiriwang.
Kasama ang mga staff ng Hepe ng AMAD, sila ay labis na nagpasalamat sa: Calamba Rice Growers Multi-purpose Cooperative (MPC); Cacao Growers of San Antonio, Quezon; Tubo Ko; Edna and Rebecca Banana Chips & Coated Peanut; Sinag Kabuhayan; Kusina Batangueña Home Canner; Green Rescue Organic Association, Inc.; Charn”s Food Products;GO sa Quezon; Sinlikas Import/Export Packaging, Inc.; Hamis & Sealed Green; Moca Family Farm; Yakap at Halik MPC at Association of Mushroom Agri-Growers Processors & Marketing of Quezon Province (AMAFG PM QP) sa kanilang pagtugon.
Samantala, nagpamalas naman ng kakayahan ang mga mag-aaral ng Mababa at Mataas na Paaralan ng Maynila sa pamamagitan ng paligsahan tungkol sa Palay-Sayawan at Palay-Bigkasan.
Ang mga mababang paaralan na sumali sa Palay-Sayawan ay ang; Vicente G. Lim ES, Teodora R. Yangco ES, Jose Rizal ES at Arsenio H. Lagson ES at ang apat na mataas na paaralan ng Maynila na nakilahok naman sa Palay-Bigkasan ay ang; Florentino Torres HS, Ignacio V. Villamor, Carlos P. Garcia HS, at Cayetano Arellano HS.
Ang pagtatapos ng 2019 NRAM Celebration ay pinangunahan ng Philippine Rice Research Institute; National Parks Development Committee; Department of Education (DepEd); Bureau of Plant Industry (BPI); Agricultural Training Institute (ATI); DA-CALABARZON at DA-MIMAROPA; Bureau of Agricultural Research; at Asia Rice Foundation. NRB, DA-RAFIS