Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Harvest Festival na isinagawa ng Magallanes-Samahang Magsasaka ng Kay-Apas at Medina (MAGSAMAKAME) noong ika-26 ng Mayo, 2022.
Itinampok sa aktibidad na ito ang magagandang ani ng MAGSAMAKAME dahil sa mga ibinigay ng DA-4A na mga interbensyon.
Ilan sa mga interbensyong naipamigay ng DA-4A sa samahan ay ang solar-powered irrigation system, hauling truck, traktora, at iba pang farming inputs.
“Naging posible po ang lahat ng ito dahil sa makikipagtulungan nyo sa DA-4A at sa pagpupursigi ng asosasyon n’yo na makakuha ng CSO accreditation,” ani ni OIC-Field Operations Division (FOD) Chief at High Value Crops Development Program Coordinator, Engr. Redelliza A. Gruezo.
“Nagpapasalamat ako sa DA-4A dahil dire-diretso ang operasyon ng aming kooperatiba dahil sa mga interbensyon na ibinigay nila sa amin at dahil dito nakamit namin ang masaganang ani at mataas na kita,” ani ni G. Mariano Maligaya, pangulo ng MAGSAMAKAME.
Dagdag pa ni G. Maligaya, dahil sa mga interbensyon na ipinamigay ng DA-4A ay nakaani sila ngayong buwan ng 33,679 na kilo ng kamatis at nadadagdagan pa.
#### (✍Ma.Betina Andrea P. Perez : 📸Von Samuel Panghulan)