DA4A, Lumahok sa 19 th Edisyon ng MAFBEX ngayong 2025
Lumahok ang Department of Agriculture IV-A CALABARZON, sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division, sa idinaos na Manila Foods and Beverages Expo (MAFBEX) sa World Trade Center, Pasay City noong ika-11 hanggang ika-15 ng Hunyo.
Tampok mula sa CALABARZON ang mga produktong agrikultural mula sa Young Farmers Challenge (YFC) awardee na Hiyas Urban Mushroom Farm, at Tun-Amazing World Fish Processing na nagpapakita ng lokal na inobasyon at kahusayan sa agribusiness.
Ang MAFBEX ay inorganisa ng Worldbex Services International (WSI), at ngayong taon ay ipinagdiriwang ang ika-19 na edisyon nito. Kabilang sa mga kalahok ang mga bansang Japan, Poland, Taiwan, Malaysia, at China na nagbahagi ng kani-kanilang natatanging produkto para subukan at maranasan ng mga Pilipino.
Ang partisipasyon ng Kagawaran sa mga aktibidad katulad ng MAFBEX ay isang oportunidad para sa mga MSMEs, korporasyon, at mga lokal na samahan ng magsasaka at mangingisda na maipakilala at mailapit sa mamimili ang kanilang mga produkto.