Naging matagumpay ang pagkasali ng Eggciting Food Products at Alaminos Goat Farm sa nakaraang AgriLink na idinaos sa World Trade Center sa Pasay City. Dalawa lamang sila sa halos 630 exhibitor na mula sa buong bansa.
Ayon sa Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON na nagdala sa kanila, ang AgriLink/FoodLink/AquaLink ay napakaprestihiyoso, napakalaki, at nilahukan ng pinakamaraming exhibitor na agribusiness sa buong bansa; at ito ay kinikilala sa buong mundo.
Ang naging pangunahaning tagapagsalita rito ay si Kalihim William D. Dar ng Kagawaran ng Pagsasaka na kinatawan ni Under Secretary Ariel T. Cayanan ng nasabing tanggapan.
Pinangunahan naman ni Senadora Cynthia A. Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture, ang pagputol ng laso bilang hudyat sa pagbubukas ng mga exhibit.
Ang Eggciting Food ay pagmamay-ari ni G. Kerwin A. Perez ng Brgy. Taysan, San Jose, Batangas na kilalang gumagawa ng Aldio coffee liqueur at salted chicken egg.
Ang Alaminos Goat Farm naman ay pagmamay-ari ni G. Artemio O. Almeda ng Barangay II, Alaminos, Laguna na gumagawa ng goat cheese at goat fresh milk. Mayroon din silang adlai at cocosugar.
Ang tema ng pagdiriwang ay ”Climate Change-Resilient Agriculture: A Must for Eastern Visayas.” ● NRB, DA-RAFIS