Nagpulong ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) at ang DA-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) para sa gagawing pag-aaral ng epekto ng pagtaas ng presyo ng abono at petrolyo sa sektor ng pagsasaka sa rehiyon, partikular na sa pagpapalayan.
Upang maging mas madali at episyente ang pagkalap ng kinakailangang impormasyon, naghanda ng mga katanungan ang DA-PhilRice na gagamitin naman ng mga kawani ng DA-4A sa kanilang pag-iikot sa mga magsasaka.
Makakatulong ang datos na makakalap upang matukoy ang mga karagdagang hakbangin ng pamahalaan para sa mas ikakabuti ng produksyon ng palay kasabay ng mga suliranin hatid ng mataas na presyo ng abono at petrolyo.
“Napapanahon ang ganitong pag-aaral kung kaya mahalaga na pagtulung-tulungan natin ito,” ani DA-4A OIC-Field Operations Division Chief Engr. Redelliza A. Gruezo.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Bb. Maricris O. Ite, Rice Banner Program Alternate Focal Person, Bb. Cherry Rose Piñon ng PhilRice, Regional Soils Laboratory Chief Gng. Nora Talain, Agricultural Program Coordinating Officers G. Fidel L. Libao, Gng. Maria Annie S. Bucu, at G. Rolando P. Cuasay, at iba pang kawani ng DA-4A.
#### (✍📸: Bogs de Chavez)