Estado ng pagmamaisan sa Cavite, Laguna, tinalakay sa Midyear Assessment ng DA-4A

 

 

Upang patuloy na isulong ang pagpapaunlad ng pagmamaisan sa rehiyon, tinipon ng #DACalabarzon Corn Program ang mga agricultural extension workers at technicians sa lalawigan ng Cavite at Laguna para sa first semester assessment ng Corn Banner Program noong ika-11 at ika-12 ng Setyembre.

Ibinahagi sa mga dumalong kinatawan mula sa Office of the Provincial Agriculturist at pamahalaang bayan sa dalawang lalawigan ang kalagayan ng pagmamaisan sa probinsya at tinalakay ang mga angkop na hakbang para sa pagpapa-angat ng industriya sa mga susunod na buwan at taon.

Iprinesenta naman ng mga kawani ng ahensya ang mga updates patungkol sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), wastong pagkalap at pagbibigay ulat ng pinsala dulot ng kalamidad gamit ang Damage Loss and Needs Assessment (DaLa), at mga peste at sakit ng mais partikular ang Fall Army Worm.

Binigyang-diin ni OIC- Chief ng Field Operations Division, Felix Joselito Noceda na sa pakikiisa at patuloy na pagtutulungan ay mas magagabayan ang mga Magmamais sa mga nasasakupang bayan.Nagpasalamat naman si Corn Program Alternate Focal Person, Arlene Natanauan sa pagsusumikap ng bawat isa na maipaabot sa mga Magmamais sa Cavite at Laguna ang mga programa at suporta ng ahensya. ####