Limang farmers cooperatives and associations ang nagtapos ng training on food processing and safety ng DA-PRDP CALABARZON at ng DOST CALABARZON. Layon ng training na matulungan ang mga grupo na makakuha ng License to Operate (LTO) mula sa Food and Drug Administration (FDA) upang maibenta ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado at mabigyan ng sertipikasyon ang kanilang mga produkto na ligtas at sumusunod sa mga pamantayan ng FDA.
Tinalakay sa training ang mga sumusunod: basic food handling skills, sanitation standard operating procedures, current good manufacturing practices, product traceability, hazard analysis and critical control points (HACCP), etc. Mula dito ay nakagawa ang mga grupo ng Good Manufacturing Practices manual at ng HACCP plan.
Sumulat na rin ang apat na grupo sa FDA upang magpagawa ng account sa FDA application portal. Samantala, ang Aga Farmers Multipurpose Cooperative na mayroon nang LTO at Certificate of Product Registration ay pinagtuunan ng pansin ang paggawa ng HACCP manual at paghahanda ng iba pang requirements para sa renewal ng kanilang LTO. Malaki ang pasasalamat ng nasabing samahan sa training dahil maaari na nilang dalhin sa mga grocery stores at malls ang kanilang produktong kape. Sa ngayon ay naghahanda na rin sila ng requirements upang makapagbenta sa ibang bansa.
Ang mga grupong nakatapos sa training ay ang:
Batangas:
- Aga Farmers Multi-purpose Cooperative (coffee)
- Magsasakang Tanaueño Agricultural Marketing Cooperative (mango puree)
- Tanauan Organic Natural Farming Association (banana chips)
Quezon:
- Quezon Federation and Union of Cooperatives (VCO)
Laguna:
- Luisiana Cacao Grower Producers Cooperative (tablea)