Aabot sa 25 rehistradong feed millers sa rehiyon ang sinanay ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) tungkol sa Philippine National Standards (PNS) ng Halal Feeds noong 27 Setyembre 2022.
Tinalakay ang Halal Food Industry Development Program (HFIDP) Insights and Updates at PNS on Halal Feeds mula sa mga kawani ng HFIDP at Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) ng Kagawaran.
Isinusulong ng aktibidad ang kahalagahan ng Halal Feeds at maisama ang PNS nito sa pagproseso at paggawa nila ng mga produkto gayundin ang pagkakaroon ng Halal Certification upang maging kabilang sa mga nagsusuplay ng Halal feeds sa rehiyon.
Ayon kay Engr. Ibrahim Racmat ng BAFS, importante ang pagsasanay upang mapalawig ang Halal sa rehiyon. ####( Chieverly Caguitla)