Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON sa sa pangunguna ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED) ng workshop sa “Updating of the Regional Farm-to-Market Road Network Plan (FMRNP)” para sa mga kawani ng Agricultural Program Coordinating Office (APCO) at Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ngayong ika-3 ng Nobyembre 2022.
Layon ng pagsasanay na assitihan ang mga kawani ng APCO at OPA sa online platform na Geographic Information System for Agriculture, Fisheries, Machineries and Infrastructure (GEOAGRI) upang maupdate ang Regional FMRNP.
Ang FMRNP ay isang plano ng pagpapaunlad ng Farm-to-Market Road (FMR) sa CALABARZON. Ito ay naglalayon na makagawa ng listahan ng mga FMR na dapat unahin sa darating na limang taon.
“Sana’y tuloy-tuloy ang pagsuporta natin sa mga programa ng DA4A sa pag-eencode ng mga FMR proposals sa GEOAGRI upang matulungan nating mapa-igi sa pagnenegosyo ang ating mga minamahal na magsasaka,” ani RAED Assistant Chief Christian Paul Ariola.
Tampok sa pagsasanay ang paggamit ng GEOAGRI, mga umiiral nang FMR network plan at mga datos na kelangan pa sa FMR Network Plan. ####( Ma. Betina Andrea P. Perez)