Inilunsad ang programang “HALINA’T MAGTANIM NG PRUTAS AT GULAY (HAPAG) AN OPERATIVE STRATEGY OF BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN (BIDA) ADVOCACY” ng Department of Agriculture (DA) at Department of Interior and Local Government (DILG), sa pakikipagtulungan sa Bureau of Plant and Industry (BPI), at ng Local Government Unit (LGU) ng Dasmariñas City, Cavite ang noong ika-20 ng Hulyo, 2023, sa Dasmariñas, Cavite.
Ang HAPAG-BIDA ay dalawang pinagsamang programa ng DA at DILG kung saan ang programang HAPAG ng DA ay naglalayong mahikayat ang mga mamayan sa bawat komunidad na magtanim ng sariling gulay at prutas, samantalang ang programang BIDA ng DILG ay naglalayon akayin ang mga Pilipino sa mga gawaing produktibo at kapakipakinabang sa lipunan nang sa ganun ay malayo sa paggamit ng ilegal na droga.
Ayon kay DILG CALABARZON Regional Director Ariel Iglesias, sa pamamagitan ng programang ito, matutugunan natin ang problemang food insecurity kasabay ang pagsugpo sa talamak na paggamit ng illegal na droga. Aniya, naniniwala siya ang epekto ng illegal na droga, gutom, at kahirapan ay magkakaugnay, kaya ang programang ito ay magandang umpisa.
Samantala, nagbigay ang DA-4A ng aabot sa P667,000 halaga ng mga pananim na binhing gulay, abono, at mga kagamitan bilang panimula ng mga barangay sa pagpapatupad ng nabanggit na programa.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina DA-4A Field Operations Division Chief Engr. Redelliza Gruezo, DA-4A Research Division Chief Eda Dimapilis, Dasmariñas City Lone District Representative Elpidio Barzaga, Dasmariñas City Mayor Jenny Austria-Barzaga, DILG-4A Regional Director Ariel Iglesia, DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina, BPI OIC-Approving Officer Crop Research and Production Support Division Christopher Cruz, mga kawani ng DA-4A at DILG, mga farmer-leaders, at mga home-owners association leaders.
#### (Bryan Katigbak, DA-4A RAFIS)