Nakiisa ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa Agricultural Training Institute Region IV-A sa pagsasagawa ng “Getting Started: Orientation on the Establishment of PAFES” sa Trece Martires City, Cavite, noong ika-26 ng Abril.
Matapos ang kahalintulad na oryentasyon na isinagawa sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal, at Quezon, inimbitahan ang iba’t ibang sektor mula sa Cavite, upang isulong at ibahagi ang konsepto, implementasyon, at pakinabang ng PAFES sa industriya ng agriktura.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang opisyal o kinatawan mula sa Regional Government Agencies; Provincial and Local Government Units; State, Universities and Colleges; at Regional at Provincial Agricultural and Fishery Councils.
Pinangasiwaan ng DA-4A Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED) ang paglalahad ng bentahe ng PAFES; pagsasaayos ng Memorandum of Agreement (MOA); pagbabahagi ng mga aktibidad ng PAFES sa taong 2022; at pagtalakay ng kasunduan sa pagitan ng DA-4A, ATI IV-A, at mga dumalong pamunuan.
“Maraming salamat po sa pagbibigay ng oras sa ating aktibidad. Nawa’y maging daan ito upang mas mapaigting ang ating samahan sa pagsasagawa ng mga pang-agrikulturang programa sa inyong lalawigan. Kami po ng ATI ay handang tumugon at umalalay sa inyong mga pangangailangan,” ani PMED OIC-Assistant Division Chief Gng. Edna de Jesus.
Inaasahang sa darating na Hulyo ay magkakaroon ng Cermonial Signing of MOA kung saan pormal nang sisimulan ang implementasyon ng programa sa lalawigan.
#### (: Jayvee Amir P. Ergino; Christian Añonuevo)