Natapos na rin ang isang linggong In-house Evaluation ng mga programa ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON na isinagawa ng Monitoring and Evaluation Services (PMS) ng Kagawaran ng Pagsasaka (Central Office), noong ika-19 ng Hulyo 2019 sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Lipa City, Batangas.
Ang pag-aaral ay isinagawa: upang mapag-aralan at matukoy kung gaano kahusay ipinapatupad ang mga programa ng Kagawaran; maitala rin kung ano ang mga pangunahing naging pakinabang, benepisyo mula sa mga interventions na naipamigay lalo na sa ilalim ng pagpapalayan at sa organikong pamamaraan ng pagsasaka; at malaman din kung ano pa ang mga pagkukulang nito.
Ang DA-Evaluation Team ay pinangunahan nina: Karen S. Monte, Officer-In-Charge ng Monitoring and Evaluation Division; Judi Anne Felipe, Planning Evaluation Officer ng DA-PMS; Planning, Monitoring and Evaluation Divisions (PMEDs) ng Rehiyon III, MIMAROPA at Rehiyon VI.
Sa kanilang pag-uulat, mismong sina Regional Executive Director Arnel V. de Mesa at Regional Technical Director Dennis R. Arpia ng Operations at Extensions ang nangunang dumalo sa Exit Conference na isinagawa ng grupo. Sila ay labis na nagpasalamat at natuwa sa mahusay at tapat na isinagawang pagsusulit ng evaluation team. ●NRB, DA-RAFIS