Kadiwa ng Pangulo sa loob ng kampo ng kapulisan sa CALABARZON, nagsimula na

 

 

Sa pakikipag-ugnayan sa Quezon Provincial Police Office (QPPO) at sa pangunguna ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), sinimulan ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) Pop-Up Store sa loob ng Camp BGen. Guillermo P. Nakar, Lucena City matapos ang launching nito noong ika-21 ng Mayo 2025.

Layunin nito na maabot ng mga bagong ani at dekalidad na produktong may mababang presyo ang mga kapulisan, pamilya nito at komunidad sa loob ng kampo bilang suporta sa ating lokal na magsasaka at mangingisda.

Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Chairperson at Farmer Director Gaudecio Genil sa QPPO. Aniya, ang naturang aktibidad ay malaking tulong sa kanilang mga magsasaka dahil magsisilbi itong karagdagan market ng mga produkto sa CALABARZON. Hinikayat niya ang mga kapulisan na tangkilikin ang mga lokal na produkto ng ating magsasaka.

Nagpakita naman ng suporta si Provincial Director Police Colonel Ruben Laguesta at ipinahayag na patuloy ang suportang ibibigay ng QPPO sa mga ganitong gawain lalo’t higit ang pagtangkilik sa mga agrikultural na produkto ng mga magsasaka sa rehiyon.

Samantala, nakatakdang magkaroon pa ng KNP Pop-Up Store sa iba pang Provincial Police Office sa  rehiyon sa mga susunod na araw.