Upang masigurado ang kalidad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), patuloy na isinasagawa ang Constructors’ Performance Evaluation System (CPES) sa pangunguna ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED). 

 

Ang CPES ay binuo upang magkaroon ng sentralisadong pag-gagrado sa paggawa ang mga konstruktor base sa tamang kalidad at pangangailangan ng isang proyekto. Ito ay maaring makatulong sa pagpapabuti ng isang proyekto at maging basehan ng kwalipikasyon ng isang konstruktor sa mga susunod na proyekto o pagkakaroon ng lisensya nito.

 

Kasama ang mga representante mula sa RAED Calabarzon at mga institusyunal na konstruktor, at mga tagasuri mula sa Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) at RAED ng ibang rehiyon, binibisita ang mga project sites upang personal na suriin ang mga proyekto na magiging basehan ng kanilang ebalwasyon. Nagsasagawa ng dalawa hanggang tatlong pagbisita sa bawat proyekto upang magkaroon ng pagkukumpara sa pagbabago ang bawat pagbisita.

 

Kamakailan nagsagawa ng CPES ang kagawaran sa dalawang proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Livestock Program na Biosecured and Climate Controlled Finisher Operation Facility for Swine Production sa Ibaan, Batangas at Sariaya, Quezon noong ika-2 hanggang ika-5 ng Abril. Napuna dito ang magandang pagbabago ng bawat proyekto mula sa unang pagbisita hanggang sa huling araw ng ebalwasyon.

 

Ayon kay RAED Calabarzon Assistant Chief Engr. Christian Paul Ariola, ang ganitong aktibidad ay malaking tulong upang ang mga proyektong pang-imprastraktura ng kagawaran ay masiguro ang kalidad bago ito maturn-over at tuluyan gamitin ng mga magsasaka. Nagpaabot din ng pasasalamat si Engr. Ariola sa mga representate ng PCAF at RAED ng ibang rehiyon sa patuloy na pagsasagawa ng CPES sa Calabarzon. #### (Bryan E. Katigbak, DA-4A RAFIS)